Chapter 59

16.9K 550 229
                                        

Tinapat ko ang isang kamay ko kay Caleb at napatalsik ito nang malakas kaya napasuka siya ng dugo. I can't control this power anymore, this is my last chance to give all my best in this battle.

Nagulat si Delian na makita ako.

"Eisha--"

"Save them please. Kaya ko na. Ako na magtatapos." Ngiting sabi ko.

Natigilan siya at bigla napailing.

"Hindi pwede! You heard her--"

"Matagal ko na alam ang tungkol doon, I prepared myself for this. So please..." I held his hands. Kinagat niya ang ibabang labi bago umiwas ng tingin.

"Stay alive... For Hades." Iyon ang huling sinabi niya bago nawala na sa aking paningin.

Nagbuntong hininga ako. Humakbang papalapit sa akin si Medusa habang pumapalakpak na parang wala siyang tama sa balikat at hiwa sa likod.

"Gagawin mo talaga? I already gave you options, Eisha." Sabi ni Medusa. Napangiwi na lang ako.

"I don't have any options from the beginning." Ngiwing sabi ko at kinuha ang baril mula sa sahig.

Humalakhak siya dahil doon at napailing.

"Sige, paano mo 'ko mapapatay kung ganon? I'm not living for a pendant, child." Ngising sabi niya.

Napatingin ako sandali sa dibdib niya kaya natigilan siya. Walang emosyon ako tumango at nagkibit balikat.

"Then let's see..." Mabilis ko siyang binaril.

Mabilis niya rin ito iniwas na walang hirap. Kinasa ko ulit ang baril ko at patuloy siya pinagbabaril. Bigla siya lumitaw sa harapan ko kaya napamura ako. Binigyan niya ako suntok sa tiyan at sinipa ako sa dibdib kaya napatumba ako.

Pinunasan ko ang dugo sa labi ko. Bumangon ako at umatake ulit sa kaniya. Tulad kanina ay iniwas niya lang iyon. At biglang umilaw ang kamay niya at tinapat ang palad sa dibdib ko kaya napasuka ako ng dugo.

Damn it. Ano nangyayari sa akin? Am I at my limits already?

"Ipapaalala ko lang sa'yo, 'yang kapangyarihan mo ay hiram lang." Ngising sabi niya.

Aatake sana ako pero naging mabagal iyon kumpara sa unang atake ko kanina sa kaniya. Kaya mabilis niya sinalo ang atake ko at pinalibag sa mesa kaya nasira ito.

Napaubo ako nang malakas at nanggilid ang luha dahil namanhid bigla ang katawan ko.

Hindi pwede ito. Kailangan ko kumilos.

Sinubukan ko iangat ang kamay ko pero hindi ito gumana. Ubos na ang enerhiya ko. Napaiyak ako sa loob loob ko habang sinusubukan tumayo.

"Poor you. Alam mo ba na obsess na obsess si Caleb sa'yo. Inalaman niya talaga ang bawat detalyo tungkol sa pagkatao mo..." Lumuhod si Medusa at tinaas ang baba ko kaya tumama ang paningin namin sa isa't isa.

"S-shut up..." Nangigigil na sabi ko.

I gritted my teeth and clenched my fist. Naasiwa ako kapag naririnig ko ang pangalan na iyon. Tumayo si Medusa at hinawakan ang sariling baba na tila may iniisip.

"And he confessed me that he wants to feel and taste you. Pero natakot siya dahil kay Hades. Pero ngayon mukhang wala na ibubuga si Hades, bakit hindi natin pagbigyan si Caleb?" She smiled like a villain.

Nanlamig ang buong katawan ko nang makita si Caleb na papalapit sa amin. Nagliliyab ang mga mata dahil sa galit. Pinunasan niya ang labi niya na may dugo at sinamaan ako ng tingin.

"Gusto mo ba maranasan ang naranasan ko noon at itong katawan na gamit ko?"

Gumapang ang takot sa katawan ko. Napaatras ako pero napangiwi ako dahil sa kirot na naramdaman sa buong katawan ko. Tumaas lalo ang balahibo ko nang umupo sa tapat ko si Caleb na may ngisi sa labi.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon