"Eisha, kumalma ka please! Natatakot ako sayo!" Sabi ni Avianna.
Hindi ko magawa ang sinasabi ni Avianna. Kanina pa ako pa-lakad lakad habang hawak ang sentido ko.
Paano nangyari ito? Sino ang may pakana nito? Si Medusa ba?
Napapikit ako ng mariin dahil sa kaba at takot na nararamdaman. Pakiramdam ko ay sasabog ako kahit ano oras. Napatingin ako sa bintana. Mas lalo ako nairita na makita ang pag papalit ng mga mata ko.
"Ano ba nangyari? Sabihin mo," sabi ni Leigh.
"Na-kidnapped yung kapatid ko at bata kong pinsan, Leigh! H-hindi ko alam kung ano gagawin ko. Inosente sila, p-paano..."
Hindi ko na kontrol ang emosyon ko. Nanlaki ang mga mata nila dahil sa aking sinabi.
"What did you say?" Napatayo si Zaryl.
Huminto ako sa paglalakad at tinignan siya.
"M-may nag text sa akin. Hindi dapat ako maniniwala pero nag send sila ng picture. Hindi ko alam ang gagawin ko, Zaryl! Inosente sila, wala sila alam..."
Walang alam si Patricia kung bakit sila kinuha. At sigurado ako na hindi nag tatagal ay malalaman niya rin. Malalaman niya ang pagkatao ko.
Ito na ba ang kinatatakutan ko. Wala ako nagawa para protektahan sila. May sapat akong lakas at kapangyarihan pero hindi ko ginamit para sa pamilya ko.
"P-paano nangyari ito? Zaryl, may kalaban ba tayo na kauri rin natin?" Tanong ni Avianna.
Hindi sumagot si Zaryl. Mabilis nagbago ang ekspresyon nito. Bakas sa mukha nito ang pag aalala. At mukhang may binabalak rin itong gawin.
"I'm not sure, but mark my words. We will have a bloody night. We will save them." Seryosong sabi ni Zaryl at kinuyom ang kamao.
Nanghihina ako napahawak sa mesa.
"H-hindi ko alam gagawin ko kapag mapahamak sila. A-ano gagawin ko? P-paano ako mag papaliwanag?"
Panay lakad na lang ako at malalim ang iniisip. Parang masisiraan na ako ng ulo.
"Can't you calm down, Eisha? They won't hurt them, trust me. Mga hamak na tao lang siguro ang mga iyon." Sabi ni Keidon pero umiling ako.
Sigurado ako na hindi tao ang mga kumuha sa kanila. Alam ko na may koneksyon ito kay Medusa. Lahat ng sinabi ni Persephone ay binalewala ko.
Kung kumilos lang sana ako ng mas maaga hindi sana mangyayari ito...
Agad ako lumapit kay Zaryl kaya nagulat ito.
"P-please... Tulungan niyo ako. H-hindi ko kaya..." Hindi ko natapos dahil humagulgol na ako sa kaiiyak.
"Eisha..."
Nag buntong hininga si Zaryl. Hinawakan niya ang balikat ko.
"Kahit hindi mo pa sabihin ay ililigtas ko sila lalo na ay hawak nila ang kapatid mo," matigas nitong sabi.
Napayuko na lang ako. Madaming pumapasok sa isipan ko na maaaring mangyari.
"P-paano kapag huli na ako? P-paano kapag hindi ko na sila naabutan--"
"Please don't overthink, Eisha. It won't help us." Sabi ni Zaryl.
"H-hindi mo naiitindihan, Zaryl. Hindi sila tulad natin-- w-wala sila laban don! I should've stayed with them!" Nawawala na ako sa sarili.
"Oh my gosh, Eisha. Calm down! Y-you're out of control again! Baka bumalik ulit si Persephone sa katawan mo--"
"Danica!"
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantastikThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...
