Warning: SPG
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa ibaba. Babangon sana ako nang makita ko si Hadrian na natutulog habang nakaupo, hawak ang kamay ko.
Napahawak ako sa sentido ko. Ngayon ko lang naalala ulit, ang babae na tumulong sa akin ay ang kapatid ni Hadrian. Siya si Heidi Levinson.
Kumirot ang dibdib ko. Siguro tapos na ang trabaho ko dito? Nahanap niya ang kapatid niya. Sigurado naman ako na alam niya na si kuya ang kumuha sa kapatid niya.
"Kumusta pakiramdam mo?" Halos mapatalon ako dahil sa gulat nang marinig ang boses ni Hadrian.
Umiwas ako ng tingin.
"Ayos na ako, salamat. Siguro pwede na ako umalis? Nandito naman na ang kapatid mo. Hindi ko na kailangan manatili dito." Mahinang sabi ko.
Hindi ito sumagot. Parang malalim ang inisiip nito habang nakatingin sa akin. Kumabog ang dibdib ko na hindi ko malaman. His intense gaze making me conscious.
Gusto ko bumaon dahil sa lalim ng tingin nito. Akala mo ay kakainin ka ng buo.
Tumikhim muna ako bago magsalita.
"Sana nakausap na kayo nang maayos ng kapatid mo. Alam ko na matagal kayo hindi nagkita. S-sigurado naman ako na alam mo na kung sino kumuha sa kapatid mo diba?" Hindi ko siya tinapunan ng tingin.
Hindi ito sumagot. Bumuntong hininga ako. Ano nangyari sa lalaking ito? Naging pipe na lang bigla.
"S-sana mabago ko pa ang isip mo na tungkol sa pagpatay sa kaniya. Ako na ang humihingi ng tawad sa'yo bilang kapatid niya. Kailangan ko na rin umalis dahil m-may kailangan pa ako asikasuhin." Parang may bumara sa lalamunan ko nang maalala ang nangyari sa pamilya ko.
Naiwan ko si papa doon mag-isa. Sigurado nalulungkot na siya dahil wala siyang karamay.
Ang sakit lang, parang noon ay masaya pa kami. Hindi namin inaasahan ay hahantong pala kami sa ganitong sitwasyon.
Kumirot ang ang dibdib ko. Gusto ko na lang sumuko pero bawal.
"Kung wala ka ng sasabihin, mas mabuti umalis na ako." Tumayo na ako.
"Are you going to leave me?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Nanlamig bigla ang pareho kong kamay. Hindi ko magawang sumagot sa tanong niya.
"I'm asking baby, are you going to leave me?" Nanlambot ang tuhod ko sa sinabi niya.
Napapikit ako habang inaalala ang mga nangyari sa akin nitong nakaraang araw sa loob ng mansion niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at umiwas ng tingin.
"Pupunta lang naman ako sa bahay--"
"I'm talking about us. Galit ka pa rin ba?" Gusto ko matunaw dahil sa malambing tono niya.
Galit pa rin nga ba ako? Hindi ko alam. Maybe I need time to heal.
"Hindi ko alam, Hadrian. Kabila sa lahat ng nangyari may karapatan naman ako magalit diba?" Seryoso kong sabi.
Hindi ito sumagot. Expected ko na iyon. Hindi na ako nagsalita pa dahil alam ko na hindi rin naman siya sasagot. Nandiyan naman si Poletia, pwede naman siya i-comfort 'non.
Aalis na sana ako nang hatakin niya ang pulso ko papunta sa kaniya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang yumakap siya sa bewang ko.
"H-hadrian..."
Siniksik niya ang mukha sa aking tiyan. Ang higpit ng hawak niya na parang ayaw na ako pakawalan.
"I'm sorry... I'm sorry baby." Bulong niya. Napasinghap ako nang mahina.

BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasyThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...