Chapter 66

19.2K 614 196
                                        

AVIANNA'S POV

"Dali na manong, kaibigan ko nga yung nasa loob! May importante lang ako sasabihin!" Pakiusap ko sa bodygurad.

"Ma'am, private event po ito. At fashion show, yung sinasabi mong kaibigan mo, eh yung rarampa. Imposible naman--"

Sa galit ko ay kinuha ko ang cellphone at mabilis na tinawagan si Keidon. Bwisit na lalaking 'to, tumakas pa ako sa manager ko para lang makapunta dito.

He said that he will wait for me but he didn't tell to the bodyguard that I'll come here! Hindi niya man lang sinabi sa bodyguard na bibisita ako! Walang kwenta talaga.

"Hello! This is Keidon Lorenz's Manager, who's this?" Nanlaki ang mga mata ko na iba ang sumagot sa cellphone niya. Hindi niya pinapahawak sa ibang tao ang cellphone niya tanging ako lang!

Napadyak ako sa galit na parang bata.

"Tell this to your boss! I will not fucking see him again! Ever again! And tell him that we're breaking up na, jerk!" Sabay baba sa telepono.

Nanlaki naman ang mga mata ng bodyguard sa narinig pero umirap na lang ako at umupo na lang sa bench ng mag-isa. I hate him!

Biglang umulan kaya sumilong muna ako sa gilid. Hindi ko maiwasan manlumo at manggilid ng mga luha. I suddenly miss Eisha...

Until now, hindi pa rin siya nagigising. We're all focus in our own lives. Keidon decided to continue his career which is modeling. He's already a star but he stopped because of our mission.

Habang ako ay nag-focus ako sa passion ko which is singing. I will release my first song and I'm so freaking nervous. Good thing that may grandma is supporting me. Kaya pumunta ako dahil gusto ko iparinig kay Keidon ang kanta ko, because knowing him, he's very true to his words.

Pupurihin ka at minsan lalaitin ka, minsan sobra pa.

Kinagat ko ang ibabang labi dahil sa lungkot. Siguro uuwi muna ako. Sa chat ko na lang siya kakausapin at hihingian ng opinion. He's always busy but nevermind.

Binuksan ko na ang umbrella ko until someone called my name.

"Danica! Hoy!" Napapikit ako sa inis dahil alam ko na kung sino iyon.

Inis ko siya hinarap.

"Anong hoy?! Bwisit ka! Alam mo na pupunta ako at hindi mo man lang pinaalam sa bodyguard mo! Imposible daw na maging kaibigan ko ang rarampa--"

"Kaibigan?" Siya naman ang galit. Magkasalubong ang kilay.

Ngayon ko lang napansin na basang basa na siya. Tumakbo siya sa ulan papunta dito. Ang buhok niya ay bumagsak dahil sa ulan, nakaharang ito sa kaniyang noo habang tumutulo ang butil ng tubig.

And he's freaking wearing his outfit but he went straight here while wearing it like it was nothing!

"Meron bang kaibigan na nakikipag-break up? Ha Danica?" Sarkastiko niyang sabi.

Umiwas ako ng tingin at nagbuga ng hangin.

"And you can't do that, sweetie. You like me too much." Ngumisi siya habang nilalapit ang kaniyang mukha sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig. Hinampas ko siya sa braso pero patuloy lang siya sa pagtawa.

"Sana madapa ka sa runaway mo!" Sigaw ko sa kaniya kaya humalakhak siya.

"Professional ako, Danica baka nakakalimutan mo." Pagyayabang niya pa kaya umirap na lang ako.

Nagulat ako nang bigla niya ako niyakap patalikod. Pinatong pa ang mukha niya sa balikat ko. My heart is pounding so fast.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon