EISHA'S POV
Naging mabilis ang araw na lumilipas. Hindi na ako nagtagal sa Hospital. Sa tingin ko ay sapat na ilang buwan na iyon para manatili pa ako doon. Kahit na lumabas na ako sa Hospital, hindi ako pinakilos ni Hadrian o pinalabas.
Nag-stay ako sa bahay niya. Sa araw nung gumising ako, nasa gitna daw siya ng isang meeting sa kumpanya at naka-off daw ang phone niya dahil utos iyon ng secretary ng tatay niya kaya wala na siya nagawa. Simula sa araw na iyon, napapansin ko na nagiging busy siya araw-araw. Minsan na lang kami nakakausap sa isang linggo. Pero kapag free time siya, binubuhos niya ang mga oras na iyon sa akin.
Naiintindihan ko siya dahil may responsibilidad rin siya business nila. At dahil hindi lang naman siya iisa. Pati na rin ang mga kaibigan ko, siguro dahil tapos na sila sa kanilang pag-aaral kaya binubuhos nila ang oras nila sa trabaho.
Pakiramdam ko ay ako na lang ang walang napapatunayan. Sila may mga trabaho na, nakakasahod na habang ako ay nakaupo lang sa sofa at hindi pa nakakapag-kolehiyo.
It feels like I'm out of the place, I started to feel like I'm not belong anymore. I tried to fight it but I really can't. But don't get me wrong, I'm happy for their achievements and proud to be honest. I'm lucky to be their friend, at masaya sa pakiramdam na ipagmalaki sila.
Pero minsan ay napapatulala ka na lang at napapaisip na ikaw na lanng ang nahuhuli. You know the feeling? Lahat sila ay may sari-sariling buhay na, may malaking responsibilidad na nagagampanan, at masaya na sa kanilang ginagawa.
Habang ako ay nakaupo sa sulok at tinitignan na lang sila sa malayo. I felt devastated.
Gayunpaman, hindi pa rin ako nakakalimutan ng mga kaibigan ko na kamustahin. Kahit hindi na tulad noon na nakakasama ko pa sila ng matagal at nakakausap ng matagal but I really appreciate those short conversations we had.
Kasalukuyan, nasa gitna kami ng Press Conference. Naplanuhan na nila ito matagal na pero hinintay nila ako magising dahil isa rin ako nasangkot sa kaso ni Rolando. We are here to give statements about what happened.
Good thing that Olympians helped me in big time. Nakatagumpay sila na burahin sa isipan ng maraming tao ang tungkol sa Mythian. Ngayon, ang tanging nalalaman ng mga tao ay sangkot kami sa kaso ni Rolando kung saan tinakpan ng Gobyerno ang tungkol doon sa tulong ng kaibigan ng tatay ni Leigh na isa sa mga nagtatrabaho doon.
"These people are the victims of Ex Senator Rolando. Their Attorney is currently doing their job. Mr. Ramos is now under arrest for Illicit drug use, corruption and human trafficking. Those people who worked for him are under investigation. The Government wish to close this case for the sake and reputation of victims."
Nakayuko ako habang nakikinig sa sinasabi ng babae. Seryoso naman ang mga kaibigan ko habang nakatingin aa mga camera. We're wearing shades to protect our eyes from the flash of the cameras.
Nakahilera kami sa harapan. At sigurado ako na marami pang cameras at reporters ang sasalubong sa amin sa labas.
Totoong gumagamit ng droga si Rolando. That was our card to put him in the jail. Nung nalaman namin na gumagamit siya, naging paraan namin iyon para palabasin na baliw si Rolando at guni-guni niya lang ang paniniwala niya na may abilidad kami at matakpan namin ang pagkatao namin.
But since the Olympians erased everyone's memories, we don't have to do that. But we can't deny the fact that he was using drugs so we filed a case against him regarding that issue.
Natapos ang Press Conference sa magulong paraan. The reporters wanted us to speak but we remained silent. Kinausap nila Zaryl at Leigh ang Attorney at iba pang tao na tumulong sa amin sa kaso.
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasyThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...
