Eisha's POV
Nasa loob ako ng malawak na kagubatan at nakasuot ako ng hindi pamilyar na kasuotan. Isang mahabang bestida na maganda at pang-maharlika.
Ako ay napalingon sa isang bahagi ng kagubatan na may isang magandang talon. Dahan dahan ako lumapit doon nang may babae ako nakita na tunay na pang diyosa ang ganda kahit ako ay mapapanganga.
Lumingon rin ito sa akin at ngumiti. Nilahad niya ang kaniyang kamay sa akin na agad ko rin iyon tinanggap.
"Írthe i óra na me antikatastísete." Kaniyang wika.
(Translation: the time has come for you to replace me.)
Hinaplos niya ang aking buhok. Tinignan ko ang kaniyang mga mata na puno ng mga emosyon at salita na nais iparating sa akin.
"Den katalavaíno..." aking saad. Kahit ako'y nagulat sa aking sinabi. Wala ako natatandaan na nag aral ako ng ibang wika.
(Translation: I don't understand...)
Ngumiti siya nang 'kay tamis at mariin hinawakan ang kamay ko.
"Thélo na eísai dynatós kai na antimetopízeis to peproméno sou..." Ang kaniyang huli sabi bago siya tuluyan nawala sa aking paningin.
(Translation: I want you to be strong and face your destiny..)
"Perímene!" sigaw ko pero huli na ang lahat.
"Ate! Gising na! Malalate tayo dahil
sa'yo tapos maninisi ka na naman!" binuksan ko ang aking mga mata at bumangon. Hinawakan ko pa ang ulo ko sabay ang kabog ng puso ko.
Panaginip na naman?
Lagi nalang ang babae yon ang napapaginipan ko. Ako yung tipo na lagi nanaginip pero iba ang isang to, parang may pinaparating sa akin ng ibang pakiramdam.
"Bunso, nanaginip na naman ako." Sabi ko at tumayo para kuhanin ang aking twalya.
"Ako din tungkol sa BTS kuwento ko sayo mamaya bilis maligo ka na." sabi niya umiling na lang ako. Normal lang sa kaniya makaroon ng ganong panaginip pero bakit yung akin iba?
Dumeretso ako sa banyo at tumingin sa salamin. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa aking nakita. Ang mga mata ko ay color amber as in!
Pinikit ko ang mga mata ko at nawala agad at bumalik sa itim. Napahawak ako sa ulo ko. What the hell was that? Am I imagining things again?
Binalewala ko na lang iyon at naligo.
---
Nakarating kami agad sa school namin at as usual nakakalat ang mga estudyante. Pumasok na ako sa loob ng aking room.
Bigla ako nakaramdam ng uhaw kaya balak ko sana bumaba.
"Hoy, bibili ako ng tubig sa canteen hindi mo man lang ako kasi ako binaunan ng tubig." nakasimangot kong sabi.
"Ako na nga nag-ayos ng bag mo tapos ako pa rin sa tubig?" sabi ng kapatid ko. Umirap nalang ako at bumaba para pumunta sa canteen.
Nang makabili ako ng tubig napunta ang atensyon ko sa matandang lalaki na nakangiti sa akin.
"Good morning, Iha." sabi nito kaya ngumiti ako.
"Good morning din po, lolo." sabi ko.
"Kumusta naman yung paniginip mo?" napahinto ako at nanlaki ang nga mata. Paano niya nalaman?
"P-Po?"
"Yung paniginip mo iha, hindi mo dapat binabalewala. Sa mga tulad mo ay dapat pinapahalagahan ang mga iyon." aniya. Halos tumaas ang balahibo ko sa sinabi niya.
"Paano niyo nalaman? Ano ba nangyayari?" naguguluhan na saad ko.
"Tandaan mo iha, hindi ka nagiisa. Dadarating ang panahon ang mga senyales ay unti unting lalabas at dahil doon kinakailangan mo hanapin ang mga iba mong kasama." sabi niya at naglakad ng palayo.
Kumabog na kay bilis ang dibdib ko. Ano ibig sabihin niya? Bakit parang konektado ang lahat mg sinabi niya sa akin?
Dumeretso ako sa room namin at hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ng matanda na yon.
"Ngayon tutuklasin natin ang Bansang Greece. Pag aaralan natin ang mga wika, kultura, at iba pa." sabi ng guro namin sa Araling Panlipunan.
Tumingin ako sa bintana. Ang mga puno at sariwang hangin ay nagdadala ng pamilyar na pakiramdam o nostalgic sa akin. Lahat ng nakikita o napapansin ko ay kasama sa mga panaginip ko.
"Oh, Ms. Salvanes magbigay ka nga ng halimbawa ng salitang greek." sabi ng guro namin. Lahat napatingin sa akin, sabi ko na nga ba eh! Dapat pala nakinig ako.
I smiled awkwardly. Hindi ko alam sasabihin ko first time ko na mapahiya sa klase dahil hindi makasagot!
"Yan sinasabi ko, hindi kasi kayo nakikinig--"
"I Elláda eínai to pio mystiriódes méros gia ména." bigla ko nasabi kaya napahinto ang guro.
"Woaahh!"
"Nice one,"
"Ano? Ano yung mga sinabi mo?"
"Halimbawa ng pangungusap sa wikang greek ma'am. Ibig sabihin ay Greece is the most mysterious place for me." sabi ko. Kahit hindi sigurado ay push pa rin natin para lang makasagot at makaupo.
"Kailan ka nag-aral ng greek?" Sabi ni ma'am.
"H-Hindi po ako nag-aaral ng lenggwahe na yon ma'am." Nagulat naman siya maski ang mga kaklase ko.
"Edi paano mo nasabi ang lahat ng yon?" Sabi niya.
"Alam ko lang ma'am" sabi ko at umupo. Namangha naman ang iba. Ang iba ay pilit ako tinatanong at nag search pa sa Google pero syempre kinabahan ako baka mali pala ang sinabi ko pero lalo sila nagulat na tama ang lahat ng sinabi ko. Hindi ko pinahalataan na nagulat ako.
Ano na nangyayari sa akin? Ito ba ang senyales na sinasabi ng matanda? Tsk, nababaliw na ata ako.
Ako pala si Eisha Gail Salvanes. Mahilig mag imagine and of course lagi nananaginip. Nagiging weird na nga eh, lagi yung babae nalang napapaganipan ko minsan naman yung lalaki.
Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko ito na ata ang dulot ng pagbabasa ko ng mga novels at panonood ng k-drama.
Nagbuntong hininga na lang ako hanggang magbell na. Lahat kami ng tropa ko ay bumaba na.
"Paano mo nasagutan yung kanina, Eisha?" Tanong sa akin ni Niela.
Kaibigan kong babae na may jowa na si Lander. I can't avoid the fact na sikat rin sila sa campus, halimbawa na lang sa tuwing dadaan kami at kasama ko sila nagsisigawan ang ibang lower grades.
"Hindi ko rin alam eh. Siguro sa pagsesearch ko kaya may natandaan ako." kailan ka pa natuto mag sinungaling tungkol sa pag aaral, Eisha? Tss.
Tumango nalang ito at pareho na kami bumaba. Sina Oliva, Arvin at si Caleb ay nag aabang sa amin sa baba. Sila ang mga tropa namin.
Nagkwentuhan at nagtawanan ang mga kaibigan ko habang bumababa ng hagdan. Huminga ako nang malalim. Bakit parang masama ang pakiramdam ko ngayon? Parang may mangyayari na kakaiba na hindi ko inaasahan?
~~••~~
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasíaThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...
