Dalawang araw na nakalipas. Nananatili ako walang kibo kapag may tao pumapasok sa kwarto. Dalawang araw namanhid ang buong katawan ko at walang balak na kumilos.
Hanggang ngayon ay tila walang balak ako bisitahin ni Hadrian.
Siguro bibisitahin niya naman ako kapag patay na ako dito?
Pagak ako natawa at napailing. Napaubo ako dahil sa gaspang ng lalamunan ko. Hindi ko alam kung ma-iiyak ako o matatawa sa sitwasyon ko ngayon.
Bigla bumukas ang pinto at akala ko si Hadrian iyon hindi pala. Niluwa ng pinto ay si Artemis na nakataas ang kilay. Tinapunan ko lang siya ng tingin.
"Just tell me if you want to die, I can do it for you easily." Mataray nitong sabi.
Napangiwi ako bago sinandal ang ulo sa headboard ng kama.
Ano ginagawa niya dito? Aawayin na naman ba ako nito? Pagod na ako sana wag na siya sumabay pa.
Kumunot ang noo ko nang makita may dala siyang tray na may pagkain.
"Kumain ka para mabigyan mo ng sapak si Hades." Sabi niya at maarteng nilagay sa mesa.
Hindi ako sumagot. Bakit parang bumait ata siya? Sabagay buti pa siya, nagaalala para sa akin.
Wala ako ganang kumain. Parang isang subo ko lang ay busog na ako.
"Gusto ko umuwi..." Mahinang sabi ko tsaka umubo.
"Eh gusto mo pala umuwi bakit hindi mo na lang sabihin sa kaniya ang totoo? Like duh, are you dating the kidnapper?" Disgusto na sabi niya.
Gusto ko matawa dahil sa mga walang kwentang sinasabi nila. Kapag ba may pinoprotektahan ko ibig sabihin nanlalaki na ako?
Nanatili akong tahimik. Narinig ko siya bumuntong hininga.
"Hades is furious these days. Parang may regla kapag nagsasalita. Importante ba talaga ang kidapper na pinprotektahan mo kaysa sa boyfriend mo?"
Natigilan ako. Wala ako pinipili sa kanilang dalawa. Ginagawa ko lang ito dahil alam ko ang ugali ni Hadrian, kapag sinabi ko pa lang ang pangalan siguradong aalis na iyon para patayin si kuya.
"B-bakit mo ginagawa ito?" Nahihirapan kong tanong.
Natigilan naman siya. Nagbuntong hininga ito tsaka ginala ang paningin sa buong katawan ko.
"I may be a bitch always but I have a soft heart for those oppressed people. I can understand him, but I think this is not appropriate. Kinulong ka niya dito at hindi ka pa binibisita? Tsh. Sabagay, masakit sa para kaniya ang pagkawala ni Heidi." Umirap pa ito.
Umiwas ako ng tingin. Gusto ko alamin kung ano ginawa ni kuya at nasaan si Heidi pero hindi ko alam kung paano dahil kinulong ako.
"Ano kaya mo pa? Kakain ka o ibubuhos ko ito sa mukha mo?" Sabay turo niya sa tray.
Sinamaan ko naman ito ng tingin.
"E-eh kung isubsub ko mukha mo sa mainit na sabaw na 'to?" Inis na sabi ko kaya ngumisi siya.
"That's the spirit, girl! Get up and eat! Lumaban ka, wag ka tanga." Umirap ako sa sinabi niya.
Nanghihina na ako parang bawat galaw ko ay nakakahingal. Para saan pa kung lalaban ako? He know how to manipulate our bond and I can't believe he was using that against me.
Umiling na lang ako.
"M-matutulog na lang ako, a-ayoko ng maingay umalis ka--"
"Argh! I want to sabunot you sa totoo lang! Bahala ka na nga, just eat the damn soup!" Sabay alis.
![](https://img.wattpad.com/cover/214778594-288-k894482.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasyThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...