"Eisha!"
Biglang bumagsak na lang ang katawan ko. Sa matagal na labanan na iyon, saka umatake ang sakit at hapdi ng mga sugat sa buong katawan ko.
Pero sa kabila sa sakit na nararamdaman, bigla ako napatulala.
I did it, I killed her...
Tumulo ang luha ko kasabay ng pagtingin sa pwesto ni Hadrian na ngayon ay seryoso ang mukha. Ngumiti lang ito ng tipid bago pinikit ulit ang mga mata.
Nagulat ako nang bigla ako yakapin ni Leigh at Keidon.
"I'm so proud of you..." Bulong ni Leigh kaya mas lalo ako naiyak.
Si Keidon naman ay tahimik lang sa aking gilid kaya natawa ako.
"Halika na, naghihintay na si Dionysus at Hestia." Sabi ni Zaryl habang nakaupo at nahihingal.
Ngumiti ako at tumango. Ngiting ko silang tinignan lahat.
"Let's go home?"
Lahat sila ay napangiti nang natamis dahil sa aking sinabi. Nakita ko si Artemis na nakanguso tila pinipigilan maiyak kaya natawa ako lalo.
Tinulungan ako nila Zaryl at Delian makatayo. Pumunta ako sa pwesto ni Hadrian at hinaplos ang kaniyang mukha.
"Nasaan si Avianna?" Tanong ko. Natigilan silang lahat kaya kumunot ang noo ko.
"She's badly injured, Eisha. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising. Binabantayan siya nung dalawa." Sabi ni Leigh kaya napasinghap ako.
That bullet is dangerous. Maging si Hadrian ay naging ganito dahil sa pesteng bala na iyon. Sumikip ang dibdib ko habang tinitignan ang malungkot na mukha ni Keidon.
Siguradong nag-aalala ito. Pinisil ko ang kamay niya at ngumiti kaya nagbuntong hininga ito.
"Kailangan natin dalhin ang dalawa sa hospital." Sabi ni Zaryl.
"Have your forgotten that we are wanted?" Sarkastikong sabi ni Artemis kaya natauhan si Zaryl.
"Oh," nabigla si Zaryl at napaisip na lang.
Binabantayan nila Dionysus at Hestia si Avianna, at sigurado ako na maraming naghabol sa kanilang tauhan. Sana ay ligtas sila ngayon lalo na si Avianna.
Balak na sana naming umalis nang may bigla kami narinig sa aming likuran.
"A-ate..."
Natigilan kaming lahat sa boses na iyon. Kumabog ang dibdib ko at umusbong ulit ang galit ng dibdib ko nang nilingon ko ulit ang pwesto niya.
"Aba? Buhay ka pa? Hindi ka pa ba nadadala?!" Sigaw ni Keidon.
Naging mabilis ang kilos ng mga kaibigan ko nang marinig namin magsalita ulit si Medusa. This time, there's somehow changed about her.
Malambot ang kaniyang mga tingin hindi tulad kanina ay matatalim ang titig. Ang mga mata nito ay naging itim hindi tulad kanina na parang ahas ang mga mata.
Tinutukan siya ng mga baril at pinalibutan. Hindi siya natinag o natakot sa halip ay tumulo ang kanyang luha habang nakangiti sa akin.
Tumaas ang mga balahibo ko.
"Eisha just destroyed your pendant but you can still able to talk? The heck?!" Hindi makapaniwala na sabi ni Delian.
Hindi siya pinansin ni Medusa. Nasa akin lang ang kaniyang paningin at atensyon. Huminga ako nang malalim bago lumapit sa kanya kaya nataranta silang lahat.
"Eisha! Anong ginagawa mo? Lumayo ka sa kaniya!" Sigaw ni Artemis.
Hinigit ni Keidon ang braso ko kaya sinamaan ko ito ng tingin.
![](https://img.wattpad.com/cover/214778594-288-k894482.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasyThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...