Chapter 9

26.8K 1K 351
                                        

HINDI ko magawa huminahon at kumalma sa mga sinabi ni Lolo Franz, parang nawawalan na ako ng pag asa para mabuhay.

Paano kung hindi ko magawa ang task ko? Edi mamamatay ako tuluyan? Ayoko pa, hindi ko pa nakakamit ang mga pangarap ko.

Hindi ko na tinapos ang mga sinabi ni Lolo Franz. Pero alam ko na hindi ako pababayaan nila Keidon dahil ramdam ko yon. I have to do this because I don't wanna die.

Napaigtad ako bigla nang may malakas ng tunog ng sasakyan ako narinig. Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat. Hindi ko na namalayan na nakaharang na pala ako sa sasakyan kaya agad ako tumabi.

"Are you dumb, woman?! Go back to your senses and stop blocking the road!" Sabi nung driver at inirapan ako.

"Sorry..." Mahinang na sabi ko pero hindi niya na ako tinapos at umalis na. Tsk tsk mga tao talaga ngayon.

Hindi na ako pumayag na magpasama kay Avianna at Keidon pauwi dahil hindi naman na ako bata pero habang naglalakad may bigla ako narinig na sigawan!

"Stop it!" Nakita ko ang bata na pilit lumayo sa tatlong mababangis na aso! Jusko yung bata!

Napatakbo ako agad at binuhat yung batang babae napaka cute. Shit ngayon ko lang narealize kung ano ginagawa ko. Sige Eisha ano laban mo sa tatlong aso?

Tumahol tahol yung tatlong aso at hanggang sa makakaya ko nilalayo ko ang bata. Napansin ko na gulat na gulat ang bata sa nangyayari at parang hindi makapaniwala na niligtas ko siya.

"Ate--"

"Don't worry baby, I will save you from these monsters!" Sabi ko hindi na siya nakasagot.

Bumaling ako sa tatlong aso muntik na ako matumba na makita ang mga mata nito! Jusko meron pang aso na may pula ang mga mata? Susmaryosep!

Hindi yata ako mamamatay sa mga kamay ni Hades, sa mga aso ako mamamatay!

Pero nawala ang lahat ng takot ko na bigla nagsiluhuran sila sa harapan ko tila nagpapaamo. Mababangis ang tatlong aso na to Hindi ko nga malaman kung aso ba talaga to!

Nagtataka naman humarap saakin yung bata at ginilid pa ang ulo.

"Are you okay now, baby? Dapat hindi ka gumagala lalo na at bata ka pa. Wala ka bang kasamang guardian?" Sabi ko. Gusto ko upakan kung sino man ang guardian ng batang to sa totoo lang.

"Ano nangyayari dito? Miss Viena, are you okay?" Sabi nung lalaki na naka uniporme. Kinuha niya yung bata mula saakin.

"Kayo ba yung guardian?" Sabi ko at tumango siya.

"Sa susunod kapag may kasama kang bata bantayan mo hindi yung iniiwan mo. Kung hindi ka lang gwapo baka nabatukan na kita." Sabi ko. Hindi siya makapaniwala sa saakin at tila'y nagtataka pa.

"What's happening here?" Isang malamig na boses na nagbigay ng sa akin na kakaibang pakiramdam.

Bigla ako napalingon at nakita ko ang isang magisig at gwapong lalaki ngunit nakakatakot ang awra niya.

"Uncle!" Mabilis tumakbo ang bata sa lalaki at yinakap. Shit.

"Y-yang pamangkin mo muntik na makagat ng aso sana naman bantayan mo ng mabuti hindi na iiwan mo kung saan." Sabi ko. Gusto ko palakpakan ang sarili ko sa mga nasabi ko.

Tinignan niya ako at tila hindi maintindihan ang mga sinabi ko. Tumaas ang kaniyang kilay at masamang tumingin sa akin.

Nagulat ako na nag silapitan ang tatlong aso sa kaniya. What the hell?

"Are you seriously telling me that?" Sabi niya.

"W-why not mister? May pinag aralan ako at sigurado ako ikaw den kaya sana gamitin mo." Sabi ko. Ang tapang natin Eisha? Wag magpahalata na naginginig tuhod mo.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon