Nandito ako sa room namin at free time namin. Sa sobrang init ng panahon ngayon pinalabas kami ng guro namin para magpahangin. Hindi ako mapakali, kanina ko pa hawak ang phone ko at hinihintay ang message ni Keidon.
Paano ko ba hahanapin ang babae na pinapahanap niya? What if I use my power? But how?
Nagpa hangin ako sa bintana, naririnig din sa hallway ang ingay ng mga kaklase ko. Nagbuntong hininga ako at pumikit. I need to find this girl. Sa sobrang laki ng school, it's impossible to find her that easily.
Humangin bigla at pilit ko na kontrolin ang hangin kung sakaling kaya ko. Laking gulat ko nakokontrol ko nga. Ginamit ko ang enerhiya ko para hanapin ang babae, I need to concentrate.
My vision suddenly appeared. May nakita ako babae na nakasalamin, parang may sinusulat ito sa notebook niya. Tinignan ko ang sinulat niya and it was Olympus.
Familiar sa akin ang room kung nasaan siya ngayon. It's blurred but I can still see through. Sa pagbukas ng aking mga mata, kumislap ang nakakaibang kulay sa aking mga mata.
Tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa aking nakita.
Alam ko na kung nasaan siya mahahanap.
Bumaba ako sa second floor kahit hindi nagpapaalam sa teacher. Pagkababa ko agad ko nilibot ang mga room kaya pinagtitinginan ako.
"Diba si ate Eisha yan?"
"Hi ate!"
"Ano meron?"
Hindi ko magawang bigyan atensyon ang iba. Hanggang makita ko ang room ng babae. There it is!
Lumapit ako sa room kaya pinagtitinginan ako. Hindi ko alam kung saan galing ang tapang ko ngayon.
"What is it?" Tanong sa akin ng guro nila.
"Pwede po ba makausap ang isa sa mga student niyo?" Sabi ko.
"Kailangan ba? Oh sige, sino ba?" Shit ngayon ko lang napagtanto.
Hindi ko alam ang pangalan niya.
Hinanap ko sa buong room ang babae at nakita ko nga siya na nakangiti sa akin at ang ganda niya! Kaso nakasalamin lang kaya hindi masyado nakikita ang ganda niya.
"Siya po," Turo ko.
"Hoy Melissa, tawag ka!" Sabi ng isa sa mga kaklase niya. Nagulat ang babae at tinuro pa ang sarili niya.
"A-ako?"
"Ay hindi! Pa ulit ulit?" At nagtawanan ang mga kaklase niyang lalaki kaya tumaas ang kilay ko.
Tinawag rin siya ng guro kaya lumapit na siya sa akin. Hinila ko palayo kaunti sa room niya.
"Ate, may kailangan ba kayo?" Tanong niya. Tinignan ko muna ang nasa paligid namin at tumingin sa kaniya.
"Ako si Eisha Salvanes. May kailangan lang ako itanong sayo." Tanong ko.
"Ano iyon? Tungkol po saan?" Tanong niya. Damn, kailangan tama ang vision kundi magpapakamatay talaga ako.
Nagbuntong hininga ako.
"M-may alam ka ba?" Tanong ko. Tumaas ang kilay niya.
"Saan ate? Hindi kita gets." sabi niya kaya napa facepalm na lang ako.
"Look melissa, yung sinulat mo sa notebook mo about Olympus diba?" nahihirapan na sabi ko.
"Yes po, interesado ka ba sa mga drawings ko?" Tanong niya.
Magsasalita sana ako pero may nagtext sa phone it's from Avianna.
From: Your Goddess Aphrodite
Show her the real you, Eisha. Magaling mag tago ang batang yan.
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasíaThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...
