Tinignan lamang siya ni Hadrian. Nagulat ako nang mas dumami ang mga bodyguards ni Hadrian.
Mabilis umatake si Avianna sa aking likuran. Lahat sila ay binabantayan ako kaya mas lalo ako nairita.
Why do we need to fight each other? Why can't we just do this in a proper way?
Gusto ko isigaw ang mga salitang iyon mula sa aking isipan. Pero hindi ko alam kung paano kapag ganito ang sitwasyon ko.
"It doesn't mean that you fooled Eisha, you can fool us too." sabi ni Leigh kaya nalilito ko sila tinignan.
Tumawa ng sarkastiko si Hadrian.
"I'm not fooling anyone." maiksing sabi ni Hadrian. Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa kaba. Tumawa ng sarkastiko si Keidon.
"Yeah? Keep it to yourself, Asshole. Tama ang hinala ko na gagawa ka talaga ng paraan para mapatay kami." nakangisi na sabi ni Keidon.
Lalapit sana ako sa kanila nang hilahin ako pabalik ni Avianna. Pumipiglas ako sa hawak niya pero tila ginagamit niya na ata ang lakas niya sa akin.
"Bitawan mo ako, Avianna!" sigaw ko rito pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Sinipa niya ang lalaki sa aming harapan bago ako niya ako nilingon ulit.
"I know what you're planning to do, Eisha! And I'm telling you, don't do it!" banta niya. I gritted my teeth because of frustration.
Sa inis ko ay naitulak ko na siya ng malakas. Napasinghap ako na makitang tinutok na ni Keidon yung baril niya kay Hadrian.
"Eisha! Shit..." tawag saakin ni Avianna na ngayon ay nahihirapan nang tumayo dahil sa aking ginawa. Hindi ko siya pinansin at tinignan si Hadrian.
Walang emosyon tinignan ni Hadrian si Keidon. Pipigilan ko sana si Keidon nang may tumutok rin ng baril kay Keidon. It's Axcel. Seryoso niyang tinutok ang baril kay Keidon.
Ngumisi si Keidon.
"Don't even try it," mas nagulat ako nang gumitna si Zaryl saka tinutok ang baril kay Axcel. Hindi nag bago ang ekspresyon ni Axcel.
Lahat sila ay may baril maliban kay Hadrian. Tinapunan ako ng tingin ni Hadrian kaya tumaas ang balahibo ko.
Nakita iyon ng dalawa kaya masama nila tinignan si Hadrian.
"Wag ka magpa-awa na parang tuta, Hades." sabi ni Keidon kaya kinuyom ko ang kamao ko. Natawa ng mahina si Hadrian. Kinasa ni Keidon ang baril kaya mas lalo kinabahan.
Hindi ko alam kung paano sila pahihintuin. Sumasakit ang ulo ko na makita lahat sila ay nag lalabanan na samantalang ay dapat kami ang nag tutulungan.
Napasinghap ako dahil may biglang sumanib sa akin. Dumoble bigla ang paningin ko kaya parang matutumba ako. Lahat sila ay napatingin sa akin.
"Zaryl! Si Eisha!" Sigaw ni Avianna mula sa kalayuan kaya napamura si Zaryl. Naibaba niya ang baril kaya mas tinutok ni Axen ang baril sa kaniya.
Hindi makakilos si Zaryl dahil sa baril na nakatutok sa kaniya.
"Shit, namumutla siya." sabi ni Leigh.
Parang pipikit ang mga mata ko. Ano ang nangayayari saakin?
"Argh!" daing ko kasabay na pag dilat ko.
Lahat sila ay napatigil dahil sa aking sigaw. Humangin ng malakas kasabay ng pag tuyo ng bawat halaman sa paligid. Maging ang mga halaman sa puno na nakikita ko ay bigla nalanta at bumagsak sa lupa.
Ang damo na inaapakan ay namatay bigla dahil sa aking ginawa.
"Put it down, Axen." utos ni Hadrian kaya napalingon si Axen sa kaniya. Pero agad rin siya sumunod.
![](https://img.wattpad.com/cover/214778594-288-k894482.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasíaThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...