Hindi ko namalayan ang bilis ng araw. Nakalipas na ng tatlong linggo at hindi pa rin siya nagpapakita o nagtetext man lang sa akin.
Sa loob ng mga linggo na iyon hindi ko maiwasan tanungin sa sarili ko. Madali ba para sa kaniya ang gawin iyon? Ang hindi magpakita sa akin?
Hindi kaya naging sobrang busy siya sa pakikipagusap sa taong nahuli niya na may alam kung sino ang kumidnap sa kapatid niya?
Hindi ko alam kung paano niya ako natiis ng ganito. Dapat ba ako ang mag first move? Ako na ba ang dapat umitindi?
Nagbuntong hininga ako. Malungkot ko sinandal ang ulo ko sa mesa namin.
"Broken-hearted ka na niyan, ate?" Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko na bumababa sa hagdan.
"Hindi kami hiwalay, wag ka ano." Mataray kong sabi.
Tumawa ito nang malakas kaya sumimangot ako. Hawak hawak ko pa rin ang cellphone ko, nagaabang kung magtetext ba si Hadrian.
Gusto ko umiyak dahil hindi niya man lang ako inaalala. Hindi niya man lang ako naisip?
"Hoy, ate. Baka nakakalimutan mo, lagot ka kay kuya mukhang hindi naniwala sa'yo." Nagtimpla si Patricia ng kape at binigay sa akin.
Napahilamos na lang ako ng mukha.
Yung gabi na umuwi kami na puro galos ang katawan, nagpaliwanag sina Zaryl at Keidon sa mga magulang namin, ganon na din kay kuya. Pinakilala ko pa sila kay kuya kasi muntikan na sila masapak nito nung pagkapasok nila sa bahay.
Ang i-dinahilan ng dalawa ay nag-picnic kami at may ginawang activities. Ang dugtong pa ni Keidon ay naging masaya naman ang ginawa namin mga activities.
Ano ang masaya sa pakikipag-putukan ng baril? Napailing na lang ako.
Naniwala naman agad sina mama at papa. Except kay kuya, pinapanood lang kami nito na tila inaalam kung nagsisinungaling kami o nagsasabi ng totoo.
Pagkatapos ng paguusap na iyon, hindi kami kinausap ni kuya. Kinakabahan at natatakot man ay hindi na rin kami nagsalita, iba rin kasi magalit ang isang 'yon. Sana nga ay naniwala siya sa mga sinabi ng dalawa.
Gayunpaman, tinotoo ni Hadrian ang kaniyang sinabi na babantayan kami ng mga tauhan niya. Simula nung gabing iyon, nahuhuli ko ang mga lalaki na nagtatago sa bawat sulok ng bahay namin sa labas.
Minsan pa nga ay nakakausap ko ito ng palihim at nagtatanong tungkol kay Hadrian pero as usual, lagi nila sinasabi ay may ikaasikaso itong importante tungkol sa case ng kapatid niya.
Gusto ko man maniwala sa kanila pero iba ang kutob ko. Laging busy si Hadrian pero naghahanap pa rin siya ng oras para sa akin kaya't imposible na iyon lang ang dahilan.
Madalas ay umiiyak pa ako tuwing gabi, dinaig ko pa talaga ang babae na nakipag-hiwalay sa jowa niya. Naiinis ako dahil wala man lang kahit isang message iniwan sa akin.
Pwede niya naman sabihin na "Baby, I'll become busy this week so I hope you understand, I love you." Pero kingina wala!
Minsan napapatulala ako sa kawalan at tinatanong ang sarili kung hindi niya na ba ako mahal.
"A-ate, paano kung malaman ni kuya na nagsisinungaling tayo?" Natigilan ako sa sinabi niya pero napairap na lang rin.
"Hindi niya yan malalaman, mukhang naniwala rin naman siya--"
"Paano kung sabihin ko na hindi, Gail? Ano gagawin mo?"
Napatayo kami pareho sa boses na iyon. Nakita namin si kuya Gael na nakahalukipkip at nakasandal sa pader ng kusina. Seryoso ang mukha nito. Samantala ang mga mata nito ay tila umaapoy sa galit.
![](https://img.wattpad.com/cover/214778594-288-k894482.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasiThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...