Unti unting ko minulat ang mga mata ko. Sinalubong ako ng liwanag mula sa lamp na nasa tabi ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil matinding sakit na nararamdaman.
Pilit ko na tandaan ang mga nangyari. Napasinghap ako nang maalala na nasa ibang lugar ako! Nasa bahay ako ni Hadrian. Shit.
Dali dali ako tumayo. Kumunot ang noo ko nang makita ang aking sarili sa salamin. Naka suot ako ng malaking black na long sleeve at short sa pang ibaba.
Ang magulo kong buhok ko ay naka-bun. Ang huling tanda ko ay naka-lugay ang buhok ko na ito. Napahawak ako sa sarili ko at kinabahan ng matindi.
Hindi kaya si Hadrian ang nag palit ng damit ko? Damn!
Nagulat ako na bigla bumukas ang pinto ng banyo. Nanlaki ang mga mata ko na makita si Hadrian na bagong ligo, pinupunasan ang basang buhok nito gamit ng tuwalya.
Nakahinga ako ng maluwag nang may sweatpants itong suot pero wala siyang suot pataas. Dumapo ang kaniyang tingin saakin kaya natigilan ako.
"Oh you're awake?" Sabi niya habang nag pupunas ng buhok. Umiwas ako ng tingin na makita ang butil ng tubig sa kaniyang dibdib.
"Hindi ba obvious?" Pabarang sabi ko kaya natawa ito ng mahina.
"You went here all by yourself without eating anything. You really pain in the ass, do you know that?"
Napasandal ako nang lumapit siya palapit sa akin. Sa sobrang lapit ng mukha niya ay naduduling na ako. Pero nagulat ako nang binuksan niya ang cabinet na nasa likuran ko.
"Alis," sabi niya kaya umawang ang labi ko.
Seriously?
Kumuha siya ng simpleng t-shirt na grey. Sinuot niya iyon sa harapan ko kaya umiwas ako ng tingin. Walang hiya talaga itong lalaki na ito, sa harap ko pa talaga nag bihis.
Sabagay, mas ayos na yon kaysa sa harapan ko pa siya mag suot ng boxer, masasapak ko talaga siya.
"Sabihin mo nga sa akin, ikaw ba ang nag palit ng damit ko?" Inis kong sabi. Tumaas ang gilid ng labi nito kaya mas lalo ako nainis.
"H-hoy! Bwisit ka!--"
"Calm down, woman. Si manang ang nagpalit sayo, wag ka assuming." Sabi niya kaya umawang ang bibig ko. Aba, marunong na pala siya gumanyan ah?
"Ang kapal..." Bulong ko. Nagulat ako nang bigla niya hinigit ang wrist ko. Bago pa kami tuluyan makarating sa pinto ay hinila ko na pabalik ang wrist ko.
"T-teka, Hadrian! May kailangan tayo pag usapan. It's about--"
"Save it, we can talk about it later." Sabi niya sabay hila ulit sa akin.
"P-pero Hadrian, importante ito. Please..." Sabi ko kaya natigilan ito.
Nag buntong hininga ito.
"You passed out earlier, Eisha. You didn't eat anything and your body is weak. You don't know how mad and worried I was. So save it, and let's eat." Sabi niya.
Natulala ako sa sinabi niya. Parang may kumiliti sa aking tiyan at wala sa sarili napangiti. Nagpa-ubaya na lang ako sa pag hila niya.
Pag dating namin sa dining table ay agad niya ako pinaupo. Umasim bigla ang aking sikmura nang makita ang mga pagkain sa mesa.
Puro seafood ang nakikita ko. Crabs, sweet and spicy shrimp, squid, salmon, tuna at kung ano ano pa. Pero may umagaw sa atensyon ko at iyon ang beef and broccoli.
Kumalam ang tiyan ko dahil sa gutom. Tumaas ang gilid ng labi ni Hadrian kaya nahihiya ako napayuko.
"A-akala ko seafood lang may beef and broccoli pa pala hehe..." Sabi ko kaya ngumiti ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/214778594-288-k894482.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming Hades ✔
FantasyThe Wattys 2022 Shortlist Editor's Pick of Wattpad HQ Highest Rank Achieved: #1 in supernatural Greek Mythology "We were born to make history." Olympians giving their half power to the mortals. In order to become a Mythian and make that power pe...