Chapter 2

36.1K 1.1K 79
                                    

Eisha's POV

Kasalukuyan nasa gazebo kami. Napatitig ako sa mga halaman habang iniisip ang mga nangyayari ngayong umaga. Totoo kaya yung mga panaginip ko?

Pinaglaruan ko ang mga tuyong dahon sa palad ko habang nagiisip. Maya maya pa laking gulat ko makita ang mga tuyong halaman ay unting-unti naging green at bumabalik sa natural nitong kulay. Kumabog ang dibdib ko, kitang kita ng pareho kong mata kung paano nagpalit ang mga ito.

Napahawak ako maiigi sa mga dahon na yon. At may parang may tumutulak sa akin na tumingin sa salamin kaya napatakbo ako at hinanap ang salamin sa bag ko.

Lahat sila napatingin sa akin pero hindi ko sila pinansin. Nang nahanap ko to dali dali ko tinignan ang mukha ko at hindi nga ako nagkakamali. Bumalik ang amber eyes ko! Pero agad ito nawala ng pumikit ako.

"Nakita mo yon, Oliva? Nag iba ang mga mata ko."

"Huh? Hindi naman ah." Sabi niya at bumalik sa pag-kain. Nagbuntong hininga nalang ako.

Hindi ko na talaga maintindihan. Parang totoo talaga. Naging kaibigan ko sila simula first year pa. Naging masaya rin naman ako kasama sila.

Marami kami nagawa ngayong araw. Marami ring requirements na kailangan gawin at ipasa.

Naglalakad kami ngayon pauwi. Narinig kong may nag text kay Patricia.

"Nag away nanaman sila, bilisan na natin..." Nanlumo ako sa narinig ko at nag buntong hininga. Ang tinutukoy niya ang mga magulang namin, madalas sila mag away kaya minsan nagdadala ito ng kaba sa amin palagi lalo na ako. Malakas ang epekto ito sa amin.

Pag dating namin sa bahay makhang tahimik at sa tingin ko kakatapos lang nila mag-away. Inutusan ako ni mama bumili ng sahog para sa kaniyang lulutuin. Habang naglalakad may nabunggo ako isang matipunong lalaki. Nahulog ang plastic na dala ko.

"Oh! Sorry miss..." sabi niya at tinulungan ako.

"Naku okay lang hehe." sabi ko at tumayo na pagka angat ko nakita ko ang mukha niya. Gwapo shet! Napaka puti rin nito. Naka ngisi rin halatang palabiro ito.

"Sige una na ako..." tatalikod sana ako ng pinigilan niya ako at hinawakan ang braso ko.

"B-Bakit?" tanong ko rito.

"Ikaw ba si Eisha Salvanes?" tanong niya. Kahit naguguluhan ako tumango ako.

"Oo, bakit?" sabi ko. Ngumiti diya na parang nanalo sa lotto.

"I knew it! You have to come with me." sabi niya at hinigit ang wrist ko pero agad ako pumalag.

"Kuya hindi kita kilala teka lang!"

"Pwede ba! Huwag mo akong hawakan hindi kita kilala eh!" naiinis kong sabi ko pero ngumisi lang siya.

"It's really you." lalo kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Kuya foreigner! Hindi kita kilala at sisigaw ako kapag ayaw mo tumigil!" banta ko dito pero tumawa lang ito.

"Kailangan mo ako Eisha, I am the only person who can help you."

Umiling ako.

"H-Hindi! Tulong! budol-budol!" Sigaw ko pero agad niya tinakpan ang bibig ko at tinitigan ako sa mata.

"Listen first, look at me." hindi ko siya pinakinggan at pumipiglas pa ako pero agad ako napahinto sa nakita ko.

Nilapit niya ang mukha niya saakin and I saw how his eyes change into blue eyes!

Bigla kumabog ang dibdib ko at dahan dahan kumalma at binaba ang mga kamay ko. Bigla rin nag palit ang mga kulay ng mata ko! My eyes turned into amber as his eyes locked mine.

"See? There's nothing to be afraid of, lady." Natatawa niyang sabi at bigla nag palit ang mga mata niya sa normal ganon na rin sa akin. Bumitaw na siya sa akin at nakapamulsa ako tinignan.

Napatulala ako. "H-Hindi ko maintindihan, ano nangyari?" tanong ko sa sarili ko.

"I will explain later kung papayag ka sumama ka sa akin. Masyado pa fresh ang nasa isipan mo." sabi niya pero nanatili ako nakatulala.

"H-hindi pwede eh. Pwede bukas na lang? may emergency sa bahay." seriously Eisha? Hindi mo pa nga kilala yung tao ang rupok mo na?

"Sure, susunduin kita sa school niyo. I am Keidon Lorenz at your service." at kumindat pa saakin.

"I'll keep that in mind." ngiting sabi ko.

"Then see you tomorrow?" Tumango ako at naglakad paatras kumaway pa sa kaniya.

"And lady, masyado akong gwapo para maging kidnapper okay? And don't tell this to everyone, it's our secret." sabi niya at kumindat at umalis na.

Nagulat ako sa sinabi nito. Mahangin rin pala ang isang yon?

Ibig sabihin hindi rin ako nag iisa. Bigla ko natandaan ang sinabi ng matanda bigla ako kinalibutan.

Dali dali ako umuwi sa bahay. Malungkot pa rin ako dahil sa family problems namin. Masyado ito nagdadala sa amin ng trauma magkapatid at alam ko naman lahat ng bata ayaw ng broken family.

Pagpasok ko sa bahay sigawan ang sumalubong sa amin. Dumeretso na ako sa kusina at nagluto kahit nag aaway sila. Well sanay na ako sa ganitong sitwasyon pero naa alarma na lang ako kapag nag sasakitan na sila.

Nakita ko si mama umiiyak at ayaw tumahan. I need to be strong in front of them, ayoko sila panghinaan ng loob.

Kinuha ko sandali ang phone ko at sinaerch ang pangalan nito sa FB.

'Keidon Lorenz'

Pinindot ko ang kaniyang profile sa fb. He is freaking famous like hell!

131k reacts?! Seriously? Mas sikat pa sa mga kaibigan ko. Shit.

I suddenly felt lucky at the same time. Gusto ko malaman talaga kung ano nangyayari sa akin at binigay siya ni Lord para matulungan ako.

~~••~~

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon