Chapter 35

25.5K 795 293
                                        

Napakabilis ng mga bawat araw na nakalipas. Hindi ako makapaniwala na graduated na ako sa senior high school, parang kailan lang. Ngayon ay nag hahanap ako ng university na maaari ko pasukan sa kolehiyo.

Sa mga nakalipas na buwan ay mas lalo kami naging close ni Hadrian sa isa't isa. Tinupad niya ang sinabi niya na babantayan niya ako.

Hatid sundo niya rin ako sa eskwela at minsan kapag may bakante akong oras ay lumalabas kami. Marami ako nalaman tungkol sa kaniya at ganon na din siya sa akin.

Pero sa mga nakalipas na buwan ay hindi nawala ang pagiging paranoid ko lalo na dahil sa banta ni Persephone. Alam ni Hadrian ang takot ko araw-araw, feeling ko ay susulpot na lang ang kalaban at magkaka-gulo.

Hininto nila Zeus ang pag hahanap sa Mythian. Sinabi ko sa kanila na hindi Mythian ang kalaban na tinutukoy ni Hadrian kaya laking salamat ko dahil doon. Hindi ko sinasama sa usapan namin ni Hadrian ang tungkol dito dahil ayoko ibalik pa.

Siguro nag kamali lang talaga si Hadrian nang sabihin niya na nasa amin ang hinahanap niyang kalaban sapagkat ay puro kami Mythian magkakaibigan.

At sa pag sasama namin ni Hadrian, sa tingin ko ay tinigil niya na ang pag hahanap sa kalaban na sinasabi niya. Mas nag focus siya sa pag hahanap kay Medusa. Syempre nakahinga ng maluwag ang mga kaibigan ko nang malaman iyon.

Ngayon ay hindi ako nagiging kampante dahil sa tingin ko ay may gulo na magaganap. Ilang beses rin ako pinag sabihan ni Hadrian na wag mag isip ng kung ano ano dahil makakasama lang daw lalo sa akin iyon.

"Ate Eisha! Wake up! Are you daydreaming again?"

Natigilan ako sa maliit na boses ni Viena. Natauhan agad ako at ngumiti sa kaniya.

"Sorry baby, ano ulit iyon?" Natatawa kong tanong. Sumimangot naman ito, manang mana kay Hadrian.

Kasalukuyan kami nasa amusement park. Iniwan saamin ng kapatid ni Hadrian ang anak nito na si Viena.

Saktong sakto ay pareho kami ni Hadrian na hindi busy kaya pumayag agad kami na ilibang si Viena sa pag papasyal.

"I said uncle Hadrian is not here yet. Where did he go?" Luminga linga pa ito sa paligid kaya napalinga rin ako.

"Siguro natagalan lang sa pag bibili ng popcorn mo." Nakangiti kong sabi. Tumango na lamang ito at kumain ulit ng candy.

Nakangiti ko siya pinapanood. Pinupunasan ko pa minsan ang bibig nito dahil sa chocolate na nakadikit sa gilid ng labi niya.

Nagulat ako nang may bigla humalik sa pisngi ko mula sa likuran. Napalingon agad ako para tignan kung sino iyon. Napangiti na lamang ako nang makita si Hadrian pala iyon.

"How is she?" Tanong niya. Binigay niya kay Viena ang binili niyang popcorn.

"Hinahanap ka. Bakit kasi ang tagal mo?" Tanong ko habang kumakain ng ice cream na binili niya rin para sa akin.

Ngumisi naman ito.

"Did you miss me already?" Nanunuksong sabi nito kaya napairap ako.

Tumabi ito sa akin habang pinapanood rin si Viena na tahimik lang kumakain. Hindi ko aakalain na magiging close rin kami ng bata na ito.

"Hey, Where's my kiss?" Pinandilatan ko ng mga mata si Hadrian pero ngumisi lang ito.

"Gusto mo ibato ko to sa mukha mo? Tsk, nandiyan pamangkin mo." Sabi ko kaya natawa na lang ito.

"Uncle, I want to go home na after this. I'm sleepy..." Sabi bigla ni Viena kaya nag tinginan kami.

"Sure baby, we will." Maiksing sabi ni Hadrian habang inaayos ang gamit ni Viena. Nakangiti ko na lamang sila pinapanood.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon