Chapter 26

23.3K 863 230
                                        

LAHAT kami ay naalerto nang makarating sila sa mesa namin. Nanatili ako nakatayo, hindi ko alam kung ano gagawin ko ngayon.

"It's not necessary. We already know you, Mr. Levinson." natatawa na sabi ni Zaryl. Nakayuko lamang ako habang pinapag laruan ang daliri ko.

Napangisi si Artemis dahil sa narinig samantalang si Delian ay todo lang nakangiti. Parang gusto pa ata makipag chikahan sa akin.

"Why don't we sit first?" nakangiti na sabi ni Avianna. Tumango silang tatlo. Uupo sana ako sa tabi ni Zaryl nang tumikhim bigla si Hadrian. Napatingin naman ako sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ko na nakatingin siya ng matalim saakin. Parang may sinasabi ang mga mata nito. Parang senyales na umupo daw ako sa tabi niya.

Nalilito ko siya tinignan pero matalim lang niya ako tinignan.

"Go ahead, we're just right here." nakangiti na sabi ni Zaryl kaya napalunok ko ng todo. Seryosong napainom ng tubig si Keidon dahil sa sinabi ni Zaryl.

Tinignan ko naman si Leigh. Inis niya naman ako tinignan na parang sinasabi na bakit ko siya tinitignan. Nag buntong hininga na lang ako.

Dahan dahan ako nag lakad sa tabi ni Hadrian. Nanigas ako nang maramdaman ko ang kaniyang katawan sa aking likuran.

"Good girl," bulong niya sa tenga ko kaya napapikit ako. Hinila niya ang upuan para makaupo ako. Pagkatapos non ay umupo na rin siya sa aking tabi.

May mesa hinanda ang staffs ng resort para saamin. Siguro inutos ito ni Hadrian. May mga desserts rin nakalatag.

Iniiwasan ko ang masasamang titig ni Keidon saakin. Bigla ako na-kosensya sa aking ginawa. Baka isipin niya na kaya ko siya binasted dahil kay Hadrian.

"As all you know, we're here because of Persephone. So take this as a chance to discuss your goal here." seryosong sabi ni Artemis.

Nagulat ako nang pinatong ni Hades ang kamay niya sa aking hita.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" bulong ko rito. Nagulat ako nang masama siya nakatingin kay Keidon na ngayon ay masama rin nakatingin sa kaniya.

"Did I mention that I got my eyes on you for 24 hours?" seryosong sabi niya kaya tumaas ang kilay ko.

"What?"

"He likes you so I want him to know that you're already mine, Eisha." sabi niya kaya tumibok ang puso ko ng mabilis.

"H-hindi mo na kailangan gawin iyon, pinag usapan na namin iyan kanina na kaibigan lang ang pag tingin ko sa kaniya." sabi ko tsaka iniwas ang tingin.

Nakita ko ang pag igting panga ni Keidon kaya napayuko na lang ako. Napatitig ako sa kamay ni Hadrian sa aking hita. Ang kinis ng kamay nito parang babae pero ma-ugat din.

Umiling na lang ako. Kung ano ano na ang naiisip ko.

"That's good then." ngumisi si Hadrian tsaka pinisil ang hita ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Natawa na lang siya ng mahina. Napatingin naman ang lahat sa kaniya kaya nahihiya ako umiwas ng tingin.

"Oh, sorry. Did I just interrupt something?" sabi ni Hadrian. Pakiramdam ko ay pulang pula na ang mukha ko. Bwisit.

Umubo ng kunwari si Zaryl bago mag salita.

"As I was saying, we are here for alliance. We don't have any bad intentions. We want you to know that we're not the enemy." seryosong sabi ni Zaryl.

Tinignan ko naman si Hadrian. Pinag lalaruan niya lamang ang baso niya habang ang isang kamay niya ay hinahaplos ang hita ko.

Nag buntong hininga na lang ako. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang kwento saakin ni Leigh. His father was the mastermind and Hadrian is known as dangerous and bad guy. Pero base sa kwento ni Leigh ay hindi ko maiwasan humanga.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon