Chapter 30

23.2K 768 129
                                    

Sa aking pag gising ay agad ako nag paalam sa mga magulang ko para pumunta kina Keidon. Biglang nag text kasi si Zaryl sa akin, may kailangan daw kami pag usapan.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Simpleng off-shoulder na semi crop top at white jeans ang suot ko. Kinuha ko na ang sling bag ko at natigilan ako nang makita ko ang baril sa aking drawer.

Nag dadalawang isip pa ako kung kukuhanin ko ito o hindi. Pero napag deisisyon na ako na hindi muna dalhin ito. Baka may makakita at ipakulong pa ako.

Dala dala ko ang aking libro. Matagal ko na hindi nababasa ito. Importante pa naman daw ang mga nakasulat dito kaya mabuti na lang ay sinipagan ulit ako mag basa.

"Ma, pa, una na ako!" sigaw ko sa aking mga magulang ko.

"Sige, nak. Mag iingat ka! Tumingin ka sa daan wag ka tatanga-tanga diyan sa nilalakaran mo!" sermon sa akin ni papa kaya napa iling na lang ako.

"Sige pa!" sigaw ko pabalik. Nang makalabas ako, nakita ko ang kapatid ko na nakatayo sa aming gate. Hawak hawak ang phone nito, mukhang may hinihintay na text.

"At ano naman ang ginagawa mo diyan, babae?" mataray kong tanong sa kapatid ko. Napatalon ito sa gulat kaya nagulat rin ako.

"A-ate naman... Wag ka naman manggulat ng ganon!' singhal niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Aba, ikaw pa itong nagulat? Eh halos ako ang atakihin sa pag talon mo!" inis kong sabi. Sumimangot na lang ito.

Anong problema nito?

Sumilip ako kaunti sa phone niya para tignan kung sino ang tinetext niya. Pero agad niya ito iniwas at sinamaan ako ng tingin.

"Ano ba 'yan ate? Ang tsismosa mo naman." sabi niya kaya sumalubong ang kilay ko.

"Sino yan ha?! Bakit ayaw mo ipakita saakin? Jowa mo? Sumbong kita..." pananakot ko rito kaya mabilis niya hinila ang braso ko.

"Joke lang naman ate! Eto naman,  Akala mo wala rin siya ka-text..." sabi niya sabay nguso.

"Hoy! Mga kaibigan ko lang tinetext ko!" sabi ko rito. Nagulat ako nang ngumisi ito saakin. Tinuro turo pa ako.

"Kaibigan? Wala ako kilalang Hadrian na kaibigan mo, ate." seryoso niyang sabi kaya natigilan ako. Umiwas ako ng tingin saka kinagat ang ibabang labi.

"N-nangingialam ka ng sariling gamit ah!" sinubukan ko pa siyang sermonin pero hindi gumana.

Nag text ba si Hadrian? Shit.

"Anong nangingialam, ate? Iniwan mong nakabukas iyang cellphone mo at saktong nasa messages kaya nabasa ko!" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Tignan mo, ikaw yung tsismosa sa ating dalawa. Bakit ka nag babasa ng messages ko?" mataray kong sabi rito.

"At bakit naman hindi--"

"Oh, tama na 'yan. Baka mag suntukan na kayo niyan." pareho kami napatingin sa aming harapan.

Nakita ko si Zaryl na nakapamulsa sa harapan namin. Naka polo ito saka jeans kaya kitang kita ang kaniyang perpektong katawan. Naka open ang butones ng polo niya kaya kita ang bukana ng dibdib niya kaunti.

Nakangisi niya kami tinitignan habang pinag lalaruan ang susi ng kotse niya.

"Ano ginagawa mo dito? Akala ko ba si Keidon ang susundo sa akin?" sabi ko. Tumaas ang kilay ko.

Tumingin ito saglit saka nilipat sa kapatid ko ang tingin.

"You're hurting my feelings, Eisha." natatawa niyang sabi bago nilipat ang tingin sa akin.

Taming Hades ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon