Chapter 43

193K 10.4K 2.8K
                                    

"HEY, ARE YOU CRYING?"


Yumuko ako at mabilis na humawak sa aking pisngi. Basa nga ng luha. Hindi ko napansing umiiyak ako. Humakbang ako paatras sa kanya hanggang sa mapunta na ako sa gilid ng daan.


"Bakit ka nandito?" tanong ko sa mahinang boses nang hindi tumitingin.


"Bakit ka umiiyak?" he sounded very concerned. At ayaw ko nang ganoon.


"Arkanghel, bakit ka nga nandito?" inis na tanong ko na hindi pa rin siya tinitingnan. Hiyang-hiya ako sa itsura ko. Malamang na nakita niya rin akong parang tangang naglalakad kanina.


"Why I can't be here?"


Right. Business center ito, businessman siya. Okay lang na nandito siya. Napa-ismid ako. Wala akong pakialam kung nakita niya iyon.


"So why are you crying?"


"Ha?" maang-maangan ko. "Hindi ako umiiyak. Umaambon kaya nabasa ang mukha ko."


"I'm from The Medical City."


Nang marinig ko ang sinabi niya ay napatingala ako sa kanya. Bakit galing siya sa Medical? Anong ginawa niya roon?


"S-sinong may sakit?" napakaliit ng boses ko nang magtanong. Sinubukan kong kaswalan ang tono at nagtagumpay naman ako, iyon nga lang ay bahagya akong nautal. Huling-huli ko kasi ang bahagyang pagtaas ng sulok ng mapula niyang mga labi.


"My mom's friend. Inutusan niya akong dalawin para sa kanya."


"Ah, I see." Tumango-tango ako.


"And I heard from Art na dito ka nagta-trabaho sa RBC Tower 2 na katabi lang ng Med City kaya pumunta ako rito."


Tumaas agad ang isang kilay ko. "Bakit?"


"Samahan mo akong magkape."


"Ha?" nabibiglang sambit ko.


"Kanina pa ako rito. You owe me a cup of coffee."


"Wala akong budget!" hindi nag-iisip na sabi ko pero hindi ko na binawi. Totoo naman kasi.


"Okay. Pauutangin kita."


Napatawa ako sa sinabi niya kahit seryoso siya. Hindi ko napigilang hindi matawa. "'Wag na. Wala kong pambayad." Umiling-iling ako at itinaas pa ang isang palad.


"I also have something to ask you."


"Itanong mo na lang ngayon." Tumatakbo ang oras. Late na ako masyado. Saka hindi naman siguro mahaba ang sasabihin niya, hindi rin naman siguro importante. "'Tanong mo na."

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon