"HUGO..."
"I mean, you're friends now, right?" Nagsalin ulit siya ng wine at tumungga.
Nakakailan na siya. Mauubos niya na ang isang bote 'tapos hindi niya pa nagagalaw iyong pagkain. Pinipitik-pitik niya lang iyong tinidor.
Nagsalin siya ulit at ginawang beer ang wine nang laklakin. Namumula na ang leeg at ang matangos niyang ilong. Lalo siyang naging tisoy dahil sa lights dito sa resto. Ang pula-pula pa ng mamasa-masa niyang mga labi.
Hindi na ako nakatiis. Tumayo ako at inagaw ko na sa kanya ang wineglass na hawak. "Magda-drive ka pa."
Itinaas niya ang kamay sa ere na parang sumusuko.
"Sorry, sorry," sabi niya hindi naman muka at tunog sincere.
Pinagmasdan ko siya. Pormal na ulit siya. Seryoso. Humalukipkip siya at kalmanteng sumandal sa upuan. Nakipagtagisan ng tingin sa akin.
Naupo ulit ako sa upuan at iniwasan ang mga mata niya. Hindi ko gusto kapag ganito siya at alam niya naman iyon. Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya pa rin.
"Ubusin mo 'yang pagkain mo at mag-tubig ka lang muna," sabi ko nang hindi siya tinitingnan.
Pasimple kong inilabas ang phone ko mula sa dalang shoulder bag para i-check kung may message si Arkanghel, pero wala siyang message o kahit missed call. Gabi na pero mukhang busy pa rin siya sa work. Inaalala ko kung nakapag-dinner na ba siya o puro work pa rin ang kanyang inaasikaso.
Nang mag-angat ako ng mukha ay nakatitig pa rin sa akin si Hugo. Napabuntong-hininga ako.
Noong mga nakaraang araw ay malabo kami ni Arkanghel, pero ngayong may unawaan na kami, dapat na siguro iyong malaman ni Hugo since best friend ko siya.
About time na rin na lagyan ko nang limitasyon ang friendhip naming dalawa. Alam kong mahihirapan ako dahil ilang beses ko na siyang nasaway noon, pero napasok lang sa kabila niyang tainga at labas sa kabila ang mga sinasabi ko. Wala ring talab sa kanya ang heart-to-heart talk.
Nag-iisip ako nang bigla akong makarinig ng mahina pero mariing boses mula sa katabing table namin ni Hugo.
"Babe, who the hell are you looking at?!"
Napalingon ako roon. Ang natagpuan ng mga mata ko ay ang magka-pareha na tila nagtatalo. Iyong lalaki ay ini-interrogate ang ka-date na babae. Nang ma-realized kung bakit ay naiiling na ibinalik ko ang paningin ko kay Hugo.
Kanina pag pasok namin dito ay napapatingin na sa kanya ang mga babae na naririto. Kahit may mga kasamang ka-date ay hindi sila makapagpigil na hindi siya lingunin. Maging ang ilang waitress ay pasimple siyang sinusulyapan.
See? Hindi na bago ito. Kahit saan dalhin ang lalaking ito ay pinuputakte talaga siya ng mga babae. Ganoon siya kalakas. Siguro kailangan talaga naming magkaroon ng space para makahanap na siya ng babaeng seseryosohin niya. Ako na lang kasi palagi ang binubulabog niya.
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...