HE WAS THERE AGAIN.
Isinara ko ang kurtina ng aking kwarto. Katulad nang mga nagdaang gabi, naka-park na naman sa tapat ng kalsada ang itim na Lambo ni Arkanghel. Tuwing ganitong oras, 11pm hanggang kinabukasan ng umaga, nandoon siya
Hindi naman siya nagtatangka na pumunta rito sa bahay. Basta tamang park lang talaga siya roon. Siguro pagkagaling niya sa opisina sa QC ay naka-sched na sa kanya na mag-camping sa tapat ng bahay namin.
Nahiga na ako sa kama. Ayaw ko na siyang isipin. Kahit nakapagtataka na galit ako sa kanya, pero namimiss ko ang amoy niya.
Around 10 na ako nagising kinabukasan. Gahol na gahol ako sa pagkilos dahil tanghali na ako nagising. Ngayon pa naman ako nangako na babalik para sa interview ko sa public high school na pinag-a-apply-an ko, ang aking alma matter.
Pagbaba ko ay as usual, nasa kusina si Mama. Tulala siya sa kanyang niluluto.
"Ma, pupunta ako sa school ngayon," pukaw ko sa pansin niya. "Interview ko po."
Saka lang siya napalingon sa akin. "Hindi ka ba kakain muna? Nagluto ako." Tila siya wala sa sarili habang nagsasalita. Ano bang nangyayari?
"Si Tatay Bear po?" tanong ko.
Imbes na sagutin ang tanong ko ay nakasimangot na inginuso niya lang ang pinto palabas ng kusina, doon sa may likod-bahay. Napataas naman ang kilay ko.
Lumabas ako at nadatnan ko nga sa labas si Tatay Bear. Nasa tapat siya ng kulungan ng mga alagang manok. Hindi naman siya mukhang nag-aasikaso ng manok at hindi rin siya nag-iisa. Kasama niya ang byuda naming kapitbahay na si Tess.
Sa kinatatayuan ko ay nauulinigan ko ang pag-uusap nilang dalawa. Mukhang napapadalas ang pag-uusap nila, 'tapos nakakarating na rin pala itong si Tess hanggang dito sa likod-bahay namin.
"Ay siya Andres, bakit ka nga nag-iisip nang malalim?" Maganda ang pagkakangiti ni Tess.
"Pasensiya ka na, Tess. Inaalala ko lang kasi ang anak ko," sagot ni Tatay Bear na may paghimas pa sa ulo. Tila siya nahihiyang binatilyo sa kanyang pagkilos.
Hindi man lang ako napansin ni Tatay Bear na nakatanaw sa kanila. Mukhang nagbunga na ang ilang taong pagtatanim ni Tess ng avocado sa tiyan niya.
"Kow! E malaki naman na 'yang si Susana mo." Nakangiti pa rin si Tess nang magsalita. "Kaya niya na ang kanyang sarili. Magtiwala ka na lamang sa iyong dalaga." May marahang pagsiko pa siya sa tagiliran ni Tatay Bear.
Naiiling na bumalik ako sa kusina. Doon ay nakita ko si Mama na nakasimangot habang nakasilip sa bintanang jalousy. Nang makita ako ay umatras siya at nagbawi ng tingin sa dalawang nagdadalaga at nagbibinata sa likod-bahay.
"Ano ba 'yang babaeng 'yan?" mayamaya ay naririnig kong litanya ni Mama. "Basta na lang 'yan nangatok kanina rito at nang pagbuksan ko ay pumasok na lang agad. May edad na pero wala yatang pinagkatandaan. Sukat ba namang siya pa ang bibista sa lalaki!"
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...