Chapter 22

180K 9.9K 2.2K
                                    

Just thought that I needed to put this here once and for all.

Half of this series is about 'being teenagers'. It's like a trip down memory lane, so you should know that (in the first part of the story) you'd be reading POVs of people who are in the crucial phase of their adolescence, where they experience rapid physical, cognitive, and psychosocial growth. Their hormones are not stable and that affects how they feel, think, make decisions, and interact with the world around them.

Please do not judge the characters immediately because everyone has the ability to grow and change for the better. -JF



-------------------------------------------------------------------------------------------------------


"PST! GALIT KA?"


Tumabi sa akin sa lababo si Arkanghel. Katatapos lang naming maglunch at naghuhugas ako ng plato rito sa kusina. Naki-agaw siya ng plato para tumulong at para may chance na rin siya na kulitin ako.


"Galit ka? Di mo ako pinapansin e."


Tiningnan ko lang naman siya.


"Sussie..." Kinuha niya sa akin ang platong hawak ko.


Bumuntong-hininga ako at kinuha ulit sa kanya ang plato. "Hindi ako galit," malumanay kong sabi.


Yumuko siya para silipin ang mukha ko. "Weh? Sige nga, ngiti ka nga kung di ka galit."


Nag-iwas ako ng tingin at bumalik sa paghuhugas ng mga plato.


"Galit nga 'to o," bulong niya.


Hindi naman ako galit. Hindi galit, hindi rin masaya. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Dalawang araw na ang lumipas since sabihin ni Arkanghel sa akin na decided na talaga siyang mag-Manila. Nakakalungkot pero sino ba ako para pigilan siya? Sino ako para hadlangan ang pag-aasam niya sa magandang kinabukasan?


Oo GF niya ako pero hindi iyon pass para pakialaman siya sa kanyang mga pasya na sa tingin niya'y makakapagbago ng buhay niya. Nandito lang ako para sumuporta.


Pero ang sakit. Kahit wala pa siya sa Manila, kahit hindi pa siya malayo, nasasaktan na ako. Just the thought of it was enough to break my heart.


"Magpapaalam na pala ako sa bar mamaya na last ko na sa Linggo. Hindi kasi ako makakapag-apply nang puyat e. Kailangan ko na talaga bitiwan ang pagtugtog sa bar," sabi niya habang isinasalansang sa lalagyanan ang mga platong tapos ko nang mahugasan.


Tumango lang ako at tinapos ang huling plato.


"Sa-sideline muna ako sa talyer ng ninong ko para may panggastos sa pag-aapply. Magsusubmit na rin ako ng resume sa mga site."


"Gamitin mo iyong laptop ko," mahinang sabi ko.


Napalingon siya sa akin. Sa peripheral vision ko ay nakita ko ang malungkot niyang ngiti. "Thanks, Sussie."

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon