Magdamag kong inisip iyong sinabi ni Arkanghel bago siya umalis. Bakit kung magsalita siya parang balewala ang lahat sa kanya? Bakit bukas pa siya maghe-helmet? Bakit hindi niya ba iniingatan ang sarili niya noong mga nakaraan?
Dahil sa pag-iisip, late ako kinabukasan. Nasa room na ang mga estudyante, naglalakad pa lang ako papunta sa building ng Grade 12. Sa second floor ang room ko at sa first floor ang kay Arkanghel. Walang ibang daan para makarating sa hagdan kundi ang dumaan sa room niya. Walang takas.
Hindi ko magawang kumalma sa panloob kahit sa panlabas ay kalmado ako. I was in my poker face nang dumaraan na ako sa room ni Arkanghel. Nagka-klase na sila which was good dahil nasa front ang attention ng lahat. Walang titingin sa bintana.
"Alcaraz!"
Muntik na akong matalisod.
"Alcaraz, is that you?" Lumabas ng room ang first subject teacher nila na si Mrs. Herrera. "Ikaw nga. Dito ka na pala talaga ulit."
"Opo, Ma'am." Hindi ko alam kung paano magpapaalam sa kanya. Nakakailang kasi dahil iyong isa niyang estudyante sa loob ay halos mabalian na ng leeg kakatingin sa akin.
"Pinapagawa ko ng sariling tula ang mga estudyante ko." Lumingon siya sa room. "Ikaw, bakit ka nasa labas?"
"Late po ako," nahihiyang sagot ko.
"Hmn, bago 'yan. Pero minsan lang naman siguro, ano?" Ngumiti siya. Ang bait-bait talaga ng bukas ng mukha niya.
Si Mrs. Maria Ethelinda Herrera ang naging isa rin sa mga coach ko sa mga quiz bees noon maliban kay Mrs. Aguilar. Mabait siya sa akin at oo nga pala, Grade 12 Filipino teacher siya. Taga Ecotrend Subdivision siya sa may Pasong Camachile 2.
"Halika na. Aakyat din ako. Di ko naibigay iyong baon ni Jillian."
Classmate namin ni Carlyn ang bunsong anak niya na si Jillian Mae Herrera.
Nilingon niya ang klase. "Walang lalabas, ha? Babalik ako. Walang magkokopyahan. Babasahin ko isa-isa 'yan."
Napangiti ako. Knowing Mrs. Herrera, babasahin niya talaga isa-isa ang gawa ng mga estudyante kaya walang makakalusot sa kanya.
Chorused na sumagot ng "yes, ma'am" ang mga nasa loob. Maliban kay Arkanghel na nakasunod ng tingin sa amin ni Mrs. Herrera.
Habang naglalakad ay nagkukuwento si Mrs. Herrera. "Iyong anak kong panganay na si Jordan, graduate na. Sa La Salle Dasma nag-aaral ngayon, first year, architecture. Ikaw, saan ka magka-college? Anong course?"
"Baka sa CVSU, Rosario po. Educ." Ayaw ko kasing lumayo kay Tatay Bear kaya nagdesisyon ako na hindi mag-e-enroll sa main ng Cavite State University na nasa Indang, Cavite pa.
Pagkarating sa room ay humingi ako ng sorry sa teacher namin dahil sa pagiging late ko. Tinawag ko rin si Jillian dahil bibigyan siya ng baon ni Mrs. Herrera.
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...