AFTER THE PROM, hinatid ako ni Arkanghel pauwi sa amin nang nakamotor. As in, nakagown ako at siya nakatux pero nakamotor kami. Napapatingin ang mga nadadaanan namin sa amin. Panibagong kakaibang experience na naman.
Hindi naman delikado kasi wala nang masyadong sasakyan noong madaling araw. Mabagal lang rin magpatakbo si Arkanghel plus we're wearing helmets.
"Problema ni Hugo?" siniko ako ni Carlyn.
Monday at nag-aayos kami ng requirements para sa paparating na clearance namin.
"Ewan," tamad na sagot ko dahil busy ako sa ginagawa ko. Ako kasi ang inutusan ng teacher namin na magcheck ng index card ng mga classmates ko for the last period.
"Di mo ba alam?" panay salita si Carlyn habang nags-stapeler ng mga naipon niyang essay. "After nang prom, najombag 'yan ni Mrs. Aguilar. Gago lang kasi, sa mismong convention ba naman niya niyari iyong jowa niya. Iyong maganda, pero laging tabingi ang kulot ng buhok at hindi pantay ang blush on."
Napangiwi ako. Nabalitaan ko nga iyon. Balita ko rin, nakainom si Hugo. Ang tanong lang, paano nakapuslit ang alak sa convention? At bakit nag-inom si Hugo?
Ah, bakit ba naitatanong ko pa? Syempre ang sagot ay dahil in born pasaway siya. Nakakadiri at doon pa niya talaga sa prom naisipang gumawa ng milagro with his new girlfriend. As in new dahil doon lang sa prom mismo naging sila.
Maaga ang uwian namin ngayon dahil may meeting. Nauna akong lumabas dahil idinaan ko pa ang mga index cards sa faculty. Paglabas ko ay nakita ko si Jordan na nakatayo at patingin-tingin sa suot na wristwatch. Naka-uniform pa siya ng pang DLSU. Kulay itim ang backpack na nasa likod niya.
May mga dumaraan na napapatingin sa kanya. Iyong isa, hindi na nakatiis at tinawag siya. "Jordan, 'ginagawa mo rito?"
"Jordan, sa La Salle ka pala. Bagay sa 'yo uniform mo."
"Hi Jordan! Lalo kang gumuwapo, ah!"
Pero kahit sino sa kumausap o bumati sa kanya, hindi naman niya pinapansin. Typical Jordan Moises Herrera, Hindi pa rin siya nagbabago, suplado pa rin.
Ako naman ang tumawag sa kanya. Siguro hindi naman niya ako i-snobin dahil nagkakilala na kami noon. Madalas pa nga, naiiwan kami sa faculty kapag dumadalaw siya sa mommy niya. "Hi Jordan, hinihintay mo ba si Carlyn?"
Binanggit ko rin si Carlyn para talagang hindi niya ako snobin. Pero tiningnan niya lang rin ako. Ouch.
Hindi ko pinansin ang kasupladuhan niya. Ngumiti ako nang matamis. "Nag-CR lang siya. Pupunta na iyon dito. Saka tanda mo ba ako? I'm Susana Alcaraz. Sussie for short. Lagi tayo nagkikita sa faculty noong hindi ka pa graduate-"
"Ok," sagot lang niya. Iniwas na rin niya ang paningin sa akin.
Ok...
"Baby!"
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...