Chapter 21

188K 9.7K 3.2K
                                    

"SIGURADO KA BANG OKAY LANG NA DITO MUNA AKO?"


Nakatingala ako sa kanya habang pinupunasan ko ang mga luha niya sa pisngi gamit ang mga daliri ko. Inayos ko rin ang bahagya niyang tumabinging t-shirt. Maging ang buhok niya na magulo ay hinaplos ko ng kamay ko. Nginitian ko siya pagkatapos.


"Sussie..." parang batang tawag niya sa akin.


"Oo nga." Kinurot ko siya sa pisngi.


Hinila ko na siya papasok sa bahay namin kahit pa noong una ay ayaw niya. Pinaupo ko siya sa sofa at saka ako madaling umakyat sa kwarto ko para ikuha siya ng bimpo. Pagbalik ko sa kanya ay pinunasan ko ang pawisan niyang leeg at pinatalikod ko siya para ilagay sa likod niya ang bimpo. Wala naman siyang angal, para siyang masunuring bata.


Tumayo ulit ako para buksan naman ang electricfan at itutok sa kanya. "Dito ka lang. Gigisingin ko si Tatay Bear."


Kilala ko si Tatay Bear, malambot ang puso niya sa mga nangangailangan kaya alam kong hindi niya matatanggihan si Arkanghel. Isa pa, naghahanap din naman kami ng uupa sa bodega namin sa likod-bahay, pwede si Arkanghel doon. Nang magising na si Tatay Bear ay ipinaliwanag ko muna sa kanya ang sitwasyon bago ko sila pinagkausap na dalawa.


Ni katiting na pagtutol ay hindi naman kababakasan si Tatay Bear nang puntahan niya sa sala si Arkanghel. "Totoy, diyan ka na muna sa sofa matulog ngayon. Bukas mo na tingnan ang bodega kapag nakabitan ko na ng bombilya."


"Salamat po, Mang Andres. Pangako po, makakabayad ako ng renta sa oras. Hindi rin po ako magiging pabigat."


Tinanguan lang siya ni Tatay Bear at saka ako binalingan. "Ikaw Susana, umakyat ka na sa kwarto mo."


Malawak ang aking pangiti. "Opo aakyat na rin po ako."


"Umakyat ka na ngayon," kahit mahina ay mariin ang tono ni Tatay Bear.


Napangiwi ako. Gusto ko pa naman sana makipagkwentuhan kay Arkanghel. "Opo, aakyat na nga po."


Hindi talaga umalis ng sala si Tatay Bear hanggang hindi ako nakikitang umaakyat kaya naman tinungo ko na ang hagdan. Pero nagnakaw sulyap muna kami ni Arkanghel sa isat-isa bago ako tuluyang pumanhik sa itaas.


Kinabukasan ay gising na agad ako kahit hindi pa tumutunog ang alarm clock ko. Mabilis akong bumangon at nagsuklay ng buhok. Nagpulbo ako kahit pa hindi pa ako naghihilamos ng mukha. Nagtanggal lang ako ng morning glory saka nagpunas ng wipes. Kailangan ko kasing mag-ayos dahil haggard ako. Ang tagal ko kasing nakabalik sa tulog kanina dahil hindi ko maiwasang hindi isipin si Arkanghel na nasa sala lang namin natutulog.


Napalabi ako nang may maalala. Oo nga pala, since dito na titira sa amin si Arkanghel ay magiging awkward na kung malalaman ni Tatay Bear na kami na. Baka biglang magbago ang isip nun. Hay, for the mean time, hindi na lang muna namin ipapaalam ang tungkol sa relasyon namin.


Saglit lang naman kaming maglilihim. Ipo-prove muna namin na kaya naming mag-aral nang mabuti at magmahalan nang sabay. Right! Kailangan naming i-prove na mga responsable kaming kabataan. Nang makabuo ng pasya ay nagtali na ako ng buhok at lumabas ng kwarto.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon