Chapter 11

196K 11.3K 2.6K
                                    

"BAKIT MO GINAWA IYON?!"


Pabulong na mariin kong sita kay Hugo. Nasa backseat kami ng kotse ng mommy niya at papunta sa amin sa PK2. Nakasandal siya sandalan at sisipol-sipol lang na akala mo inosente at walang ginawang ka-abnormalan kanina.


"Hugo!" Kinurot ko siya sa tagiliran kaya namilipit siya.


Kandausod siya palayo sa akin. "Tangina ba't ba?!"


"Ano ba 'yan, Hugo?" sita ng Mrs. Aguilar na nasa manibela.


"Si Sussie, Mommy e! Kinurot ako!"


"Wag ka kasing maharot. Pati si Sussie ay binubwisit mo!" Siya pa ang napagalitan ni Mrs. Aguilar.


Pasimple kong binelatan si Hugo. Mabuti nga sa kanya.


"Napakamo!" Dinuro niya ako. "Pasalamat ka pa nga binati ko ng happy birthday iyong ex-pet mo e!"


"Anong ex pet ka riyan?!"


"O? Di ba aso mo dati iyon? Sunod nang sunod sa 'yo iyon, e."


"Siraulo ka talaga!" mariin kong bulong.


Siraulo talaga si Hugo. Nananahimik si Arkanghel at wala namang ginagawa sa kanya pero pinag-iinitan niya na naman.


"Mommy, itu-tutor daw ako ni Sussie. Payag ka?"


"Why not, son? Baka sakaling maka-graduate ka kahit puro palakol ang grades mo." Nilingon ako ni Mrs. Aguilar. "Talaga ba, Sussie?"


"Po?" Napakurap ako. Wala naman akong sinasabi na itu-tutor ko si Hugo.


"Oo nga, Mommy." Nakangising inakbayan ako ni Hugo. Siniko ko naman siya kaagad. "Mommy, ano? Feeling mo ba madadala ako nito sa tamang landas?"


Nakangiti si Mrs. Aguilar nang tingnan kami sa rearview mirror. "Wala akong doubt kay Sussie. Sa 'yo, Hugo Emmanuel, meron."


Sa bahay namin ay todo asikaso si Tatay Bear kina Hugo at Mrs. Aguilar. Tuwang-tuwa siya nang makitang hinatid ako ng mag-ina.


"Aba't binata na pala itong si Hugo mo, Norma, ah?"


"Ay, oo, Andres." Nakangiti na ininom ni Mrs. Aguilar ang Coke na nasa baso.


1.5 Coke at spanish bread lang ang naipameryenda namin sa kanila dahil biglaan ang pagdalaw nila. Ako pa nga ang bumili ng tinapay at Coke sa bakery. Sumama pala si Hugo sa pagbili.


"Maraming salamat, Norma." Maluha-luha si Tatay Bear nang malamang ang dahilan ng pagpunta nina Hugo ngayon dito sa amin ay tungkol sa scholarship ko.


"Sus! Deserving ang anak mo sa scholarship, Andres. Masaya kami ng asawa ko na ibigay sa kanya ang scholarship para sa pagka-college niya."


"Salamat talaga. Hulog kayong mag-asawa ng langit." Hindi matapos-tapos ang pasasalamat ni Tatay Bear. "May mga tao pa rin talaga na mabubuti at gagawa ng mabuti."


Nakangiti rin ako. Hindi mabura ang ngiti ko dahil sa magandang balita. Hindi ko na kailangang pumila at makipagsapalaran sa pag-apply ng scholarship sa munisipyo dahil scholarship na mismo ang lumapit sa akin. Hindi lang basta scholarship kundi magandang scholarship. Sa tulong ng company ng daddy ni Hugo ay magiging madali na sa akin ang makapag-college next year. Plus may matatanggap pa raw akong five-thousand pesos allowance monthly.


Sa palagay ko ay mapagkakasya ko ang allowance para sa gastusin sa school at makakapag-sideline pa ako para pangdagdag sa pangangailangan namin ni Tatay Bear. At kung suswertehin, makakaipon pa ako kahit paano.


South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon