ONE-YEAR RENT PAID.
Itinext ko kagabi ang landlady ko para humingi ng pasensiya sa mahigit isang buwan kong hindi pag-uwi. Wala na akong balak magbayad for this month, ipapakaltas ko na sana sa down ko ang huling renta at hindi ko na rin kukunin ang deposit bilang pakonswelo sa abala. Ang kailangan ko na lang ay maglaan ng oras para kunin ang mga gamit ko roon.
LANDLADY:Bayad na ang buong upa hanggang sa sunod na taon.
Nawala ang antok ko nang mabasa ang reply. Napaupo ako sa kama nang muling magbeep ang phone. Lalo lang nawala ang antok ko sa sumunod na text message.
LANDLADY:
Ang boyfriend mo ang nagbayad. Pati sa tubig at kuryente, nag-advance siya sa akin.
Nang tumawag ako sa landlady ay nalaman ko na tadtad na siya ng reklamo dahil gabi-gabi na lang raw may nakahambalang na kotse sa harapan ng building.
Mukhang nag-stay pa rin si Arkanghel sa apartment ko kahit hindi na ako bumalik. Hindi sigurado kung gaano kadalas, pero umuuwi siya roon at gigil na sa kotse niya ang mga kapitbahay.
Nasapo ko ang ulo ko na bigla na lang nahilo. Ano bang ginagawa niya? Ano bang balak niya? Siya na ang titira sa apartment ko?
Tiningnan ko ang block messages sa phone ko, wala namang new messages. Ibig sabihin in one month na iniwan ko siya roon sa apartment ay hindi siya nagtangka na tawagan o i-text ako. Though, hindi ko rin naman siya inaasahan.
Napabuntong-hininga ako. Sobrang tinatamad pa akong lumabas para bumili ng new SIM kaya kapit muna ako sa block messages. Buong angkan niya, including Ma'am Ingrid and Art, i-blinock ko, just in case na maisipan nila akong contact-in, pero wala namang nakaisip in one month.
Mula nang umuwi ako rito sa Cavite nang kasagsagan ng madaling araw last month, hindi na ako lumabas ng bahay. Deactivated na rin ang mga social media accounts ko kaya wala na akong balita sa kung ano man ang nangyayari.
Hindi ko alam ang update sa engagement ni Arkanghel kay Fury. Wala akong balak alamin.Kahit kay Hugo, wala akong balita. Hindi rin siya nagpaparamdam.
Hindi rin nagbabanggit si Mama ng kahit ano tungkol sa mommy ni Hugo. She chose me over her friendship with her long-time best friend, Mrs. Aguilar.
In one month na pag-stay ko rito sa bahay, tahimik lang ang lahat. Wala ring nagtatanong sa akin kung bakit bigla kong naisipang umuwi. May pag-aalala sa mga mata nina Tatay Bear at Mama pero hindi sila nagtangka na kulitin ako na magkwento sa kanila.
Hinayaan lang nila ako sa hindi ko pagkibo, but they made sure na mararamdaman ko ang presence nila parati. Si Mama ay madalas na ulit ang pagdalaw rito, hindi tulad noon na palagi siyang may dalang kung ano-anong materyal na bagay. This time, pumupunta siya para ipagluto ako at asikasuhin ang mga gamit ko kahit pa hindi ko siya pinapansin.
Nakarinig ako ng mga katok mula sa labas ng kwarto ko bago bumukas ang pinto nito. "Anak..." Si Mama. Nandito na pala siya. "Nakapagluto na ako ng ulam. May dala rin akong pastries diyan para kapag gusto mong mag-meryenda."
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...