"YOU'RE PREGNANT?" Nanlalaki ang kulay abo niyang mga mata sa akin. Para siyang sinabugan ng bomba.
"Oo nga. Sige na, alis na." Tinalikuran ko na siya.
Tinalikuran ko na siya dahil naaasar ako sa mukha niya. Kahit gaano pa siya kaguwapo, kabango, kahit inaamin ko na parang nami-miss ko siya, naaasar pa rin ako sa pagmumukha niya. Basta nakakaasar talaga siya. Naaalala ko iyong mga sakit sa puso na dinanas ko dahil sa kanya.
"Sussie!" habol niya sa akin na hindi ko na pinakinggan.
Bumalik na ako sa kwarto ko kung saan naroon pa rin si Mama. Nagtataka siya habang nakatitig sa akin. "Iyon ba si Totoy, anak?"
Tumango ako. "Paalisin niyo na siya, Ma. Nasusuka ako sa mukha niya."
Ngumiti si Mama. "Bakit ka nasusuka? Ang guwapo-guwapo naman ni Totoy a? Ang ganda pa ng kotse, luxury car. Mayaman ba siya, anak?"
"Hiniram niya lang po iyong kotse. Isa po siyang tambay at walang trabaho," sabi ko dahil sa asar.
Sukat ay nabura ang magandang ngiti sa mga labi ni Mama. "Sige. Palalayasin ko na siya," sabi niya saka nagmamadaling bumaba sa sala.
Hindi ko na alam ang mga nangyari, kung pinalayas na ba ni Mama sa Arkanghel o ano. Bahala sila. Basta ako, natulog na ako.
Mahimbing ang tulog ko ngayong gabi. Siguro dahil kompleto ang pakiramdam ko kaysa nang mga nagdaang gabi.
Around 10am na ako nagising the next day. Magaan ang pakiramdam na bumangon ako. Nag-ipit ako ng buhok at nagsuot ng tsinelas na pambahay saka bumaba sa sala. Naghahanap na ng pagkain ang tiyan ko kaya dumiretso ako sa kusina. Naroon si Tatay Bear at nagka-kape.
"Kumain ka na. Nagpadala ang mama mo ng pagkain."
Nagpadala? Hindi pumunta si Mama para ipagluto ako? Nagtatakang lumapit ako sa mesa kung saan naroon ang tatlong tupperware ng take out food na galing sa isang mamahaling restaurant.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at sinabi ko kay Mama na tambay at jobless si Arkanghel, pero nakakapag-alala talaga na bigla siyang wala ngayon. Feeling ko ay may kinalaman ang sinabi ko sa kanya kagabi. Ewan ko ba kung bakit bigla akong kinabahan. Hindi kaya may pina-plano na iyon ngayon kasama sina Lolo at Lola?
"Sige na, kumain ka na," ani Tatay Bear sa akin at saka tumayo. Gamit ang kanyang saklay na dinala niya sa lababo ang mug na pinagkapehan. "Kumain ka na riyan at magpapahangin lamang ako sa harapan ng bahay natin."
Magpapahangin sa harapan ng bahay namin? Kailan niya pa nahiligan iyon? Saka anong hangin ang lalanghapin niya roon sa tapat ng kalsada? Hangin na mula sa tambutso ng mga nagdaraang sasakyan?
Napatingin ako sa labas ng jalousy ng kusina, sa likod-bahay, napansin ko na bukas ang pinto ng bodega. "Iniwan niyo pong bukas ang pinto ng bodega?" habol ko kay Tatay Bear na patungo na sa pinto ng sala.
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...