Chapter 13

198K 12.4K 3.5K
                                    

"AYAW MO TALAGA MAGSALITA?"

Napayuko ako. Katabi ko lang siya sa sofa at hindi ko alam kung nasaan iyong dila ko. I mean, iyong tapang ko pala. Wala akong masabi sa kanya ni isa. Ang daming tumatakbo sa isip ko na hindi ko naman maisaboses. Nakakainis.

 

Sino ba naman kasi ang makakapagkwento sa ganito? Hello, ang awkward. Hindi naman na kami close na katulad noon. Marami nang nagbago. Hindi ko kayang magkwento sa kanya na parang kahapon lang kami huling nagkakwentuhan. Isa pa, may atraso ako sa kanya dahil ghinost ko siya. VBF ghosting. Mataba lang ako pero hindi makapal ang mukha ko.


"Tsk," dinig kong palatak niya.


"Sorry..." mahinang sabi ko. "Kalimutan na lang natin iyon. Hindi naman importante—"


"Parang tanga 'to o..."


Ha? Anong sabi niya? Tinawag akong tanga? Napalingon ako bigla sa kanya. "Sinong tanga?!"


"Sabi ko parang."


"Pero sinabi mo na ring tanga ako!" Hindi ko alam bakit gigil ako sa sinabi niya. Sobrang sensitive ko na talaga mula noong tumira ako sa Bulacan.


"Tanga ba sinabi ko?" Tumaas ang isang kilay niya pero nasa mga labi niya naglalaro ang isang pilyong ngisi.


"Oo narinig ko!"


"Wala kaya kong sinabing tanga. 'Sabi ko taba."


Nanlaki ang mga mata ko. Mas malala pa pala.


"At least sabi ko parang taba, ibig sabihin "parang" lang. Di pa sure. O di ka pa ba happy nun—" Hindi niya na natapos ang sinasabi niya dahil para akong sinaniban bigla. Sinabunutan ko siya.


"Napakasalbahe mo pa rin hanggang ngayon! Di ka pa rin pala nagbabago! Akala ko matured ka na! Akala ko wala na iyong dati kong kilalang makulit at maligalig!"


"Aray—! Hoy, buhok ko—"


Panay ang sabunot at hampas ko sa kanya. Hinihila ko rin ang tshirt niya. Nang makuha ko ang sombrelo niya, pinaghahampas ko iyon sa kanya. Tinatanggap niya ang lahat ng atake ko. Hindi naman ganoon kalakas pero masakit pa rin.


"Salbahe ka pa rin, Arkanghel! Baka di mo alam kung gaano ko tiniis na wag kang i-chat kahit gustong-gusto ko! Tiniis ko lahat ng urge na kausapin ka dahil ayoko na sanang maalala ka! Ang dami-dami kong problema noon dahil lahat ng responsibilidad, napunta sa akin! Wala na akong time maski sa sarili ko. Pati iyong pag-aaral ko, napabayaan ko na! Sa tingin mo? Paano pa kita mapaglalaanan ng panahon para kausapin, ha? Pagod na ako sa maghapon at tulog na lang ang pahinga ko sa hating-gabi! At ayoko nang masaktan at makasakit sa tuwing iniisip kong hindi na tayo magkikita pa!" Gumaralgal na ang boses ko. "Ayokong problemahin mo pa ako! Ayoko nang maging pabigat pa sa 'yo o kahit kanino kaya minabuti ko na lang na magpanggap na kinalimutan na kita para kalimutan mo na rin ako...!"


Noong una, umiilag-ilag pa siya sa mga atake ko, pero nitong huli ay hinahayaan na lang niya ako.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon