Chapter 3

310K 14.5K 12.8K
                                    

"Bakit mas mataas score mo e nagkopyahan naman tayo kahapon, ah?!" It was Arkanghel.


Break time at pabalik ako sa classroom from the rest room nang madaanan ko siya sa hallway. Nakasandal siya sa pader at nakatingin sa hawak na dalawang pirasong one whole sheet of paper. Pinagkukumpara niya iyon sa ere.


"Hindi naman tayo pareho ng sagot, ah?" Saka ko lang nakita si Isaiah sa gilid niya. Simpleng nakasilip ito sa jalousie window ng classroom.


Dumating na pala galing sa kabilang section ang result ng exam namin kahapon. Madalas kasi na nage-exchange papers kami sa kabilang section para maiwasan ang pandaraya.


Salubong ang makakapal na kilay ni Arkanghel nang magsalita ulit. "So mas magaling ka manghula? Lahat ng hula mo, tama?"


"Ewan! Tangina bat ka ba galit? Kasalanan ko bang mali hula mo ng iyo?"


Nahinto lang sila nang makita ako ni Arkanghel.


Gusto ko sanang itanong kung paano niya nakuha ang number ko at sabihin na rin na wala akong balak ilibre siya ng kahit anong street food, pero ayoko siyang makausap. Inismiran ko na lang silang magpinsan at pumasok na ako sa pinto ng room namin.


"Chubs."


Nakatayo si Hugo sa tapat ng blackboard habang nagse-cellphone kaya nagulat ako nang magsalita siya. As usual, printed and branded shirt na naman ang nasa loob ng suot niyang polo. And this time, color black pa!


Ngumisi siya at inalis ang tingin sa hawak na cellphone para tumingin sa akin. "Biik ka raw, payag ka?"


"Gago ka kahit di ka payag." Inirapan ko siya saka ko naglakad papunta sa upuan namin ni Carlyn.


Umiikot ang mga mata ko sa inis. Maiksi talaga ang pasensiya ko sa mga walang kinalaman sa pag-aaral, lalo ang mga bagay na walang saysay.


Naupo na ako sa tabi ni Carlyn.


"Sussie, congrats. Highest ka." May inabot siya sa aking one whole sheet of paper.


Hindi ako umimik habang nakatingin sa ibinigay niyang papel. Perfect ko ang up to 30 na exam. Expected ko na ito dahil talagang nag-aral akong mabuti. Magdamag akong nagreview kahit pa hindi naman ito long test.


"Taray ni Isaiah, pang-apat sa highest. Nagkodigo siguro," she commented while looking at the Del Valles na nasa pinto na.


Nagkibit ako ng balikat sa sinabi niya. Ang iba ay iyon talaga ang iisipin. Nang-cheat. Pero sa tingin ko ay hindi. Naging classmate ko si Isaiah nang Grade 5 at pinanghihinayangan siya ng mga teachers namin. Siya ang klase ng estudyante na may likas na talino, pero saksakan ng tamad. Mas gusto pang matulog kaysa makinig sa lesson. Hindi rin siya gumagawa at nagsa-submit ng projects and assignments kaya puro palakol ang grades niya. Sayang talaga dahil kapag may mga quizzes at long tests ay humahabol naman ang score niya. Partida pa na hindi siya nagre-review. Saka saan siya magre-review? Mas puno pa ng drawings ang notebooks niya kaysa sulat.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon