Chapter 48

207K 10.8K 9.6K
                                    

IT WAS TEN IN THE EVENING. Hindi na talaga ako nakapasok. Hindi kinaya ng konsensiya ko na iwanan ang dalawa.


Lumabas ako ng banyo matapos makausap ang TL ko sa phone. Nagpaalam ako na a-absent ulit ngayong gabi. Katatapos lang dumating ng results ng Q.A, at iyon nga, bagsak ako. Hindi ko masisisi ang boss ko sa work kung bakit mainit ang ulo niya sa akin ngayon dahil alam kong may kasalanan ako. Magsisikap akong makabawi.


Tulog pa rin ang dalawa sa kama nang balikan ko. Parehong may basang bimpo sa mga noo nila. Ang laki-laki nila para sa maliit kong kama. Muntik pa ngang lumampas ang mga paa nila dahil sa haba nila.


Napapailing na lang ako sa nangyayari. Napaka-playful ng pagkakataon. Sa isang iglap, naging tagapag-alaga ako ng dalawang ito. Sino bang mag-aakala?


Nilapitan ko sila para damahin ang kanilang leeg. Mainit pa rin pero hindi na katulad nang kanina. Inayos ko ang kanilang kumot. Mayamaya ay mag-a-alarm ang phone ko para sa pangalawang beses na pag-inom nila ng gamot.


Kinuha ko ang glass stick mercury thermometer mula sa pouch na nasa ilalim ng aking orocan. Matagal na ito sa akin at mabuti ay nadala ko rito sa Pasig. Pagkakuha ay binalikan ko agad ang dalawa sa kama. I needed to check their temp. Maigi nang nakakasiguro.


Pero sino ba ang uunahin ko sa kanila? Iisa lang ang thermometer ko. Napakamot ako ng ulo habang nakatingin sa dalawang tulog.


Ayaw kong isipin nila na may bias ako, so dinaan ko na lang sa "Eeny, meeny, miny, moe." Itinaas ko ang aking hintuturo para mag-ready.


"Eeny, meeny, miny, moe, catch a tiger by the toe. If he hollers, let him go, Eeny, meeny, miny, moe!" Kay Arkanghel tumapat ang huli.


At least patas ako.


Nilapitan ko si Arkanghel at pinisil ang ilong niya para mapanganga siya. Isinubo ko sa kanya ang thermometer at inorasan. Pagkatapos sa kanya ay kay Hugo ko naman isinubo ang thermometer at inorasan ulit.


One am na nang gisingin ko sila para painumin ng Biogesic. Pinag-share ko na lang sila ng baso. Natulog din sila agad pagkatapos.


Quarter to two nang makita kong pinapawisan na sila. Kaunting punas lang ang ginawa ko kasi hindi naman sila pawis na pawis. Inalisan ko na lang sila ng kumot at tinapatan ng electric fan. Hindi na rin sila gaanong mainit.


Nang masigurong okay na sila ay nahiga na ako sa sofa. Nakataas ang mga binti ko dahil maliit lang naman ang sofa. Hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog, basta tunog ng nagdaang tricycle sa labas ang gumising sa akin.


Pagbangon ko ay agad kong i-chineck ang oras. 9:30 am na. Mahaba-haba rin pala ang naging pagtulog ko.


Bumangon ako para i-check naman ang dalawa. Magkaharap sila ngayon at payapang natutulog. Wala na ang unan sa pagitan nila. Nasa sahig na.


"Ang unfair," sambit ko habang pinagmamasdan sila.


South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon