SURPRISE.
"Wala naman kasi kong pambili ng ice cream," bulong ni Arkanghel sa tabi ko na di ko gaanong narinig.
"Ha?" Napalingon ako sa kanya.
"Wala. Sabi ko gusto mo ulit fishball?"
"Cheap mo! Baka gusto mo naman dagdagan kahit kikiam o kwek-kwek man lang?" Inirapan ko siya pero natawa lang si Arkanghel.
Anyway, bati ko na pala ulit si Arkanghel.
Bati ko na siya kasi sa akin siya sumabay kahapon at hindi kay Zandra. VBF talaga siya. Ngayong uwian ay sabay kaming pumunta sa bench para tumunganga. Ewan ko ba kung bakit ayaw ko pa na umuwi agad kami. Gusto ko iyong trip ni Arkanghel na tambay muna sa bench at maghintay na wala na masyadong estudyante sa labas bago kami sumakay sa tricycle pauwi.
Nagpaalam ako na magsi-CR pero hindi naman talaga ako pupuntang banyo. Pumuslit ako sa labas para ibili siya ng burger. Iyong spicy ang ketchup para di ako matakam since di ko trip ang mga spicy foods. Pagbalik ko ay inabot ko iyon sa kanya kasama ng Coke in can.
"Para saan 'yan?"
Para sa pagpili mo sa akin kahapon. You made me feel special, don't you know that? You saved me from my own stupid thoughts. Nagself-pity ako kahapon pero binura mo iyong lungkot ko kasi bigla kang tumalon pasabit sa tricycle. Di mo lang alam pero ang saya ko nang makita ka. VBF na kita ulit at crush na kita ulit. Oo crush kita, pero crush lang, okay? Bata pa ako at chubby, saka na iyong more than crush pag graduate na at syempre, kapag medyo payat na para di naman tayo number 10 pag naglalakad.
Pero syempre ito lang ang sagot ko talaga sa kanya: "Wala lang. Dami kong tirang baon kaya naisipan kong ilibre ka. Ayaw mo?"
"Oy masamang natanggi sa grasya!" Inagaw niya agad sa akin ang burger at nilantakan.
Nakamasid lang ako sa kanya habang nanguya siya nang walang arte at walang pangit. Oo walang pangit kasi kahit ang sugapa niya kumagat ay guwapo pa rin siya. Hay, sorry, Zandra. Burger is thicker than ice cream.
"Arkanghel, gusto mo bang i-tutor kita sa mga subjects na mahina ka?" Umayos ako ng upo sa tabi niya sa bench.
"Ows? Libre?" Ngumunguya pa ang bibig niya.
"Oo naman. Para kapag mataas ang grades mo, matuwa ang mama't papa mo."
"Ayos 'yan! Sabi nga ni Papa pag mataas grades ko papayagan niya na ako kahit weekdays maglaro sa compshop!"
Inabutan ko siya ng tissue dahil may ketchup siya sa labi. "O punasan mo labi mo."
"Itutor mo ko, ah? Yabang ni Isaiah e. Feeling niya siya lang matalino sa'ming dalawa e nung tinuli nga siya sa center, hinimatay siya!"
"Anong konek sa talino?" Imbes na kunin ang tissue ay inusod niya lang ang mukha sa akin. Wala tuloy akong nagawa kundi isalaksak na lang sa gilid ng bibig niya ang tissue. "O siya ubusin mo na 'yang burger at kaasar ka na."
Tumawa siya.
"Ewan sa 'yo! Basta humanda ka na lang dahil mahigpit akong tutor. Ayoko ng pasaway," kunwari ay strict na banta ko sa kanya.
Nag-tumbs up siya at inisang subuan na lang ang halos kalahati pang burger kayo di na siya makapagsalita. Naiiling na inabot ko sa kanya ang Coke in can.
"'Yan ang gusto ko sa 'yo e. Dadalhin mo ako sa mabuting landas," sabi niya matapos malunok lahat ng laman sa bibig.
Ganoon din kasi ang sabi ni Carlyn sa akin. Totoo talaga na tutulungan ko siya sa mga lessons na hirap siya. Masaya ako na makitang gusto rin niya talagang matuto. Sana nga lang talaga ay matuto siya.
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...