Chapter 41

212K 11.5K 9K
                                    

BAKIT PARANG AKO LANG ANG MAY KASALANAN?


Tahimik na nakatitig ako sa labas ng bintana ng kotse. Mahapdi ang mga mata ko at nagsisimula nang bumigat dahil sa mga luhang kanina ko pa pinipigilang bumagsak.


Ang sabi niya hindi siya mananakit. Inasahan ko iyong mga sinabi niya noon. Pero bakit ganito? Hindi ko naman siya niloko. Hindi na kami okay bago ko pa man siya sundan sa Manila. At tanggap ko na rin na wala na talaga kami nang hayaan niya akong mag-isa na umuwi ng Cavite.


Bakit parang ang sama-sama ko? Kung may kasalanan man ako sa kanya, iyon lang naman iyong binitiwan ko siya agad. Binitiwan ko siya kasi gusto ko lang namang hindi siya mahirapang makausad. Binitiwan ko siya kasi gusto kong maging madali sa tunay niyang pamilya na bawiin ang mga panahong nasayang dahil sa kagagawan ng tatay ko.


Nang makalampas kami sa IPI Intersection ay mababa ang boses na nagsalita si Arkanghel. "I'm sorry..."


Napakurap ako pero hindi pa ako tuminag. May kumawalang mga luha na mabilisan kong pinunasan.


Dinig ko ang mahina niyang pagmura nang magtuloy-tuloy ang mga luha ko. Maski ang paglingon niya sa akin ay ramdam ko.


"Sussie," marahang tawag niya.


Tinuyo ko ang mga mata ko gamit ang aking panyo. Nakatutok ang mga mata ko sa labas ng bintana. Hindi ko siya kinikibo. Hindi naman kasi ako dapat nakikipag-usap sa kanya. Nawala lang ako sa sarili kanina kaya nakalimutan kong ibang tao na nga pala siya. Nakalimutan ko ring ibang tao na rin ako.


Malalim ang pagbuntong-hininga niya. Alam na niya na kahit anong sabihin niya, hindi ko na siya kakausapin.


Paglampas namin sa Rosario ay Lifehomes na ang kasunod. Naghanda na ako sa pagbaba. Isinukbit ko na sa balikat ang bag ko at umayos ako sa pagkakaupo habang ang mga mata ay nasa labas ng bintana nakatutok.


Nagbeep ang phone ko. Si Hugo. Binuksan ko agad ang message kahit pa alam kong patingin-tingin si Arkanghel sa akin.


Gorgeous Hugo:

Bumili ko pandesal sa bakery rito. Sagot mo na kape. Almusal tayo.


Tumingin ako sa labas ng kotse bago nagtipa ng sagot.


Me:

Malapit na ako.


Pagdating ng Oasis Condominium, Pasig, ay saka ako nagsalita. "Diyan na lang ako sa may overpass."


Inaasahan ko nang hindi makikinig si Arkanghel kaya hindi na ako nagulat nang magdire-diretso siya. Lumiko siya sa U-Turn at pumasok sa bukana ng Lifehomes Subdivision.


"Dito na lang," awat ko nang magdidire-diretso pa siya. "Magta-tricycle na ako rito."


South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon