Chapter 27

177K 9.9K 4.9K
                                    

MASKI ISANG TEXT, WALA. Ang sakit na ng mga mata ko sa pag-iyak at pagtitig sa screen ng phone ko. Buong byahe, naghihintay pa rin ako ng paliwanag mula kay Arkanghel. Naghihintay ako na i-text niya ako kahit isa lang. Kahit maiksi lang. Kahit ano sana.



Si Arkanghel iyon e. Kilala ko iyon. Maligalig iyon, makulit, saka mahal na mahal ako. Dapat ganoon pa rin siya ngayon.


Bakit nag-iba? Anong nangyari? Bakit bigla-bigla parang hindi ko siya kilala?!


Hindi kasi pwedeng basta ganoon na lang e. Ang hirap tanggapin nang walang maayos na dahilan. Akala ko kaya kong maging okay, pero ang hirap-hirap.


Hindi ko maihakbang nang maayos ang mga binti ko dahil nanghihina ang mga ito. Pagkababa ko ng kotse na naghatid sa akin pauwi rito sa Cavite ay nag-stay pa ako ng ilang minuto sa gate namin bago pumasok sa loob. Sinigurado ko munang hindi ako mukhang miserable kahit pa ang totoo ay mas malala pa roon ngayon ang nararamdaman ko.


Hindi ko pa alam ano ang isasagot ko kung magtatanong si Tatay Bear. Pero sana wag niya na muna akong tanungin dahil baka hindi ko kayanin. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mapaiyak ako sa harapan niya.


Inayos ko ang sarili ko. Pinilit kong ngumiti bago pumasok sa pinto. "Tatay Bear, nandito na po ako."


Nagpanggap akong masigla para sana hindi siya magtaka, ang kaso ay hindi ko na rin iyon nagawa dahil sa itsura nang aking nadatnan. Nakaupo si Tatay Bear sa gitna ng sofa at luhaan ang mga mata niya.


"N-nakauwi ka na pala." Mabilis siyang nagpunas ng luha gamit ang laylayan ng suot niyang t-shirt.


Inilang hakbang ko ang layo naming dalawa. "Bakit po kayo umiiyak? Ano pong nangyari?" nag-aalalang tanong ko.


"Ah, na... nagugutom ka ba?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Kumain ka na ba? Ano, may ulam pa riyan..." Nagpilit siyang makatayo.


Nakasunod ang tingin ko hanggang sa maglakad siya papunta sa kusina gamit ang kanyang saklay.


Sinundan ko siya roon. Wala akong balak tumigil sa pagtatanong kung bakit ko siya nadatnang umiiyak. Hindi biro na makita ko siyang ganoon. Big deal para sa akin ang pag-iyak niya.


"Tatay Bear, ano po bang nangyari?"


Nakatalikod siya sa akin at ayaw niyang lumingon.


"Naman, Tatay Bear..." Nagpakawala ako nang malalim na paghinga. "Alam niyo namang makulit ako. Alam niyong hindi ko kayo tatantanan hanggat hindi niyo sinasabi sa akin kung bakit kayo umiiyak."


"Kung hindi ka gutom, umakyat ka na muna sa kwarto mo, anak."


"Ayoko po!" Napapadyak na ako.


"Susana!" tumaas ang boses niya.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon