Nasa kusina si Arkanghel. Nakaupo siya sa upuan at nakatanghod sa mesa. Busy siya sa pagse-send ng resume gamit ang laptop ko na pinagamit ko sa kanya. Sobrang desidido siya kaya ni hindi niya man lang napapansin na kanina pa ako sa kanya nakatingin.
"Sana may kumagat," bulong niya na hindi nakaligtas sa pandinig ko.
Malungkot na lang akong napangiti. Masyado siyang seryoso sa pag-a-apply, halos oras-oras siya magpasa ng resume at mag-check ng e-mail.
Nilapitan siya ni Tatay Bear at inabutan ng kapirasong papel. "Sendan mo rin ito ng e-mail, Totoy."
Napatingala si Arkanghel mula sa laptop. "Ano po iyan, Mang Andres?"
Matipid na nginitian siya ni Tatay Bear. "Sige na, sendan mo na ng e-mail 'yan. Kuwan..." Napatingin pa nang ilang segundo si Tatay Bear sa kawalan bago itinuloy ang sinasabi. "Trabaho 'yan sa Maynila... Basta, sendan mo ng e-mail..."
Napangiti si Arkanghel nang tanggapin ang papel. "Talaga po? Kilala niyo po ba ito, Mang Andres?"
"Hindi." Kumunot ang noo ni Tatay Bear. "Basta, sumubok ka riyan. Sendan mo ng e-mail. Lagyan mo ng picture mo, wag mong kakalimutan..."
"Salamat po!"
Tango na lang ang sagot ni Tatay Bear. Iniwan niya na ulit si Arkanghel at saka siya bumalik at nagkulong na naman sa kanyang kwarto na nasa gawing kusina ng bahay. Ni hindi niya rin ako sinulyapan man lang ng tingin.
Mula rito sa sala ay minasdan ko si Arkanghel kung paano niya binasa ang nakasulat sa kapirasong papel na ibinigay ni Tatay Bear sa kanya. Ngiting-ngiti siya na kinopya ang e-mail sa laptop.
"Susana Alcaraz!" sigaw na mula sa gate ng bahay namin.
Panandaliang nawala ang aking atensyon kay Arkanghel. Tumayo ako mula sa sofa at lumabas ng pinto dahil kilala ko ang matinis na boses na tumawag.
Sa gate ay isang babae ang nakatayo. Naka-fitted ripped faded jeans siya at white polo na nakatali ang laylayan sa bandang tiyan, ang buhok ay naka-bun at sa mga mata ay halata ang eyeliner at check eye. May dala siyang small backpack na kulay black.
"Susana, girl!" tili niya nang makita akong papalapit. Kumakaway siya.
"Carlyn!" Mabilis ko siyang pinagbuksan. Ang tagal niyang hindi nagparamdam matapos ang gabi ng graduation naming lahat. Mahigit dalawang linggo na rin iyon.
Nilusob niya ako nang mahigpit na yakap. "I missed you so so much, beshy ko!"
Pinapasok ko siya sa bahay namin. "Bakit ngayon ka lang nagparamdam? Ni hindi ka nagtetext!" nagtatampong ani ko.
"Sira na iyong SIM ko. Hayaan mo, itetext kita using my new number." Umupo siya sa sofa at dumi-quatro. "Sa CVSU ka na ba talaga?"
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...