YOU WERE CALLING MY NAME...
Totoo ba iyon? Tinatawag ko ba talaga ang pangalan niya kanina habang natutulog ako sa backseat? Ginawa ko ba talaga iyon?!
Kumikirot ang sentido ko. Pumipitik ang mga ugat ko sa ulo. Hindi ko alam ang uunahing isipin. Kung iyong tungkol sa itsura ko at sinasabi ko ba habang tulog, o iyong fact na siya ang naghatid sa akin from QC to Cavite?
Nagbeep ang phone ko. Kinakabahan pa akong i-check iyon dahil baka siya ulit. Hindi ko alam ang ire-reply. Wala nga akong reply sa text niya kanina. Nang makitang si Art ang nagmessage ay saka lang naging normal ang paghinga ko.
Handsome Artemi:
Sorry katatapos lang ng party. Kumusta? Maayos ka bang nakauwi?
Ngumiti ako. Mabilis din namang nabura ang ngiti ko nang maalala na naman ang kuya niya. Alam kaya ni Art na hindi ang family driver nilang si Mang Dino ang naghatid sa akin pauwi?Nagbeep ang phone ko habang napapaisip.
Handsome Artemi:
Tulog na tayo, Ate. Ubos lakas ko kanina. Lol.
Oo, alam kong nag-ubos siya ng lakas. Napangiwi ako nang maalala ang nadatnan kong kababalaghan sa dilim kanina sa party niya.
Sumalampak ako sa kama at dismayadong iginala ang paningin sa paligid. Magulo ang buong kwarto ko dahil sa nagkalat ditong mga paper bags ng ibat-ibang mamahaling brand. Mga mamahaling gamit na ni minsan ay hindi ko pa naisipang silipin kung ano-ano ba ang laman. Pero pinag-iisipan ko na kung paano pahihintuin ang nagbibigay sa akin ng mga ito.
Ibaba ko na ang phone ko sa bedside table nang bigla naman itong magring. Nang makita ang pangalan ni Hugo sa screen ay sinagot ko agad ito.
Maghe-hello pa lang ako ang kaso nauna na siya.
"Nasaan ka?"
"Sa Cavite na. Bakit?" Kumunot ang noo ko sa kanyang tanong. Alam naman niyang may plano akong umuwi ng katapusan, ah?
"Saan ka galing kanina?"
"Ha?"
Narinig ko ang pagtikhim niya sa kabilang linya. "Anong oras ka dumating?"
"Ngayon-ngayon lang. Bakit ba? Ikaw, nasaan ka ba? Nasa Cavite ka rin ba?"
Ang tagal niyang sumagot kaya akala ko tuloy na wala na siya.
"Hello, Hugo?"
"Oo. Nasa bahay ako." Iyong tono niya, masyadong seryoso.
"Oh, okay..." Wala na akong makapang sabihin. Parang wala rin sa mood si Hugo makipag-usap ngayon.
"Sige, goodnight. Pahinga ka na," pagkasabi niya noon ay nawala na nga siya.
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...