HE'S IN MY PLACE. Dito sa loob ng maliit at masikip kong studio type apartment. Nakatayo si Arkanghel sa harapan ko matapos niyang i-lock ang pinto. Tumutulo ang tubig mula sa basa niyang buhok patungo sa kanyang leeg at balikat.
Bakit siya nandito? Bakit sa dami ng lugar, bakit dito pa? Magkaibigan ba kami?
"You look pale," puna niya na halos hindi ko na gaanong na-proseso sa isip.
Lumakad ako patungo sa kama at naupo sa gilid. Kinalma ko muna ang sarili ko.
"Nakikita mo bang napakaliit lang ng lugar ko? May mga magagandang hotel sa Ortigas..." hirap kong salita. Hinihilot ko ang noo ko gamit ang aking mga daliri. "Bakit hindi ka na lang sa isa sa mga iyon..."
"Are you sick?" Parang wala siyang pakialam sa sinabi ko.
"Hindi." Maagap akong umiling. Lalo tuloy akong nahilo.
Hindi naalis ang titig niya sa akin. Ako ang unang bumawi.
"May pasok ako ngayon."
"Kahit may bagyo?"
"Walang bagyo sa BPO."
"Kung papasok ka, so maiiwan akong mag-isa rito?"
"Mag-stay ka talaga?" balik-tanong ko.
Ibinaling niya ang paningin sa ibang parte ng apartment ko bago siya sumagot. "Traffic pabalik ng QC."
Napahilamos ako sa mukha gamit ang mga palad ko. He's really going to stay the night here.
"Can I borrow a shirt?"
Basa nga pala ang balikat niya. Sa pang-ibaba naman ay iyong bandang tuhod at laylayan ng pants niya ang basa.
"Bakit ka kasi nagpaulan? May kotse ka naman..." mahinang sabi ko.
"I don't have an umbrella. Diyan ako nabasa sa tapat ng pinto mo dahil ang tagal mong magbukas."
Kasalanan ko? Kumibot-kibot ang mga labi ko.
Siya naman ay naglalakbay ulit ang paningin sa kabuuhan ng apartment ko. Gustuhin ko mang mahiya ay wala akong lakas. Bahala na lang siyang i-judge ang pamumuhay ko.
Tumayo ako at tiniis ang pagkahilo. "Sandali ihahanap na kita ng shirt."
Nag-isip ako kung ano bang meron sa orocan ko na pwede sa kanya. Hindi ko sigurado kung may makikita ako na pwede sa kanya rito. Marami akong loose unisex na t-shirts ang kaso halos lahat ay nasa Cavite. Kung meron man akong nadala rito ay mostly pangbabae ang design.
"And pajama kung meron."
Tumango ako habang naghahanap. Nakakuha agad ako ng pajama na pwede sa kanya. Nakuha ko ito sa exchange gift sa dati kong pinasukang BPO sa Imus, Cavite. Dahil malaki at mahaba sa akin kaya minsan ko lang magamit. Purple ito na may design na maraming cartoon baby elephants.
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...