BAGO KA MAGBOYFRIEND, HINTAYIN MO AKO.
"Tanda niya pa kaya iyong sinabi niya sa akin? O baka hindi na..." I sighed. "Baka nga ni hindi niya na ako kilala..."
I was gently biting my lower lip while scrolling on Arkanghel's timeline. It's been a month since the last time I stalked his account. It hurt to see him. Iyong makikita ko siya sa pictures pero hindi ko naman siya magawang kausapin. Kasi ayoko. Kasi duwag ako.
Ang huling chat pa namin ay iyong pinipilit niya akong mag-video call kami, pero syempre hindi ako pumayag. Hello? Ang lusog ng pisngi ko baka di kasya sa cam.
Naulit pa iyong pangungulit niya pero hindi ko na nireply. Maski mga chat niya, inignore ko na. As in nasa ignored folder ko siya. I ignored him para hindi niya malaman na sini-seen ko ang mga messages niya. Dahil kahit ayoko na talagang mabasa, hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Tiniis ko na hindi siya i-reply. Araw-araw siyang nagpi-PM, asking for my number, nangungumusta, nangungulit, nagpapatawa, sa huli nagpapaawa. Dumating na rin sa point na nagalit na siya pero tiniis ko pa rin.
Tiniis ko siya.
Tiniis ko siya kahit binigyan niya na ako ng ultimatum. Tiniis ko siya kahit gusto ko siyang sakalin sa last chat niya na: "Pag di mo pa ako ni-reply isusumpa ko na magiging balyena ka!"
Tiniis ko siya hanggang sa mapuno ng crying emoticons ang inbox ko. Tiniis ko siya kahit gumawa pa siya ng dummy accounts para harassin ako sa FB at reply-an lang siya. Tiniis ko.
Tiniis ko siya hanggang sa hindi na siya nangulit pa. Hanggang sa tumigil na siya. Hanggang sa hindi ko namalayang umiiyak na lang ako tuwing gabi tuwing iche-check ko ang last sent message niya sa akin na halos two years na rin ang lumipas. Malamang may bago na siyang VBF ngayon. Iyong VBF na mas maganda at syempre iyong sexy.
More than three years na mula nang mag-transfer ako ng school dahil sa paglipat namin ni Tatay Bear dito sa Bulacan. Ni dumalaw sa Cavite ay hindi ko na rin nagawa dahil sa sunod-sunod ang mga pangyayari sa buhay ko. Masyadong maraming pangyayari at isa na roon ay ang lalo kong pagtaba.
Nanaba ako lalo siguro dahil sa stress sa school, sa financial at sa pamilya kaya ako nagkaganito. Idagdag pa na nakaka-depress 'tong mga babaeng panay comment sa mga post ni Arkanghel sa Facebook. Ultimo ML updates niya, kino-commentan. Ganoon ka-hapit sila.
And why not, right? Ang laki ng igwinapo ni Arkanghel. As in sobrang guwapo niya na ngayon. Ito nga lang na tagged photo sa kanya na hindi siya prepared, guwapo na. Kahit nakanganga dahil stolen photo ito habang nasa compshop siya at mukhang di pa naliligo ay guwapo na. What more pa iyong selfie niya last prom na naka-gel ang buhok niya habang naka-tux?
Kaya nga sobrang alangan na kami...
Kahit VBF, alangan pa rin. Lalo pa kaya iyong hintayin ko siya pag ready na akong magka-boyfriend. Saka malay ko ba kung gusto niyang maging boyfriend ko? Baka nagpapahintay lang siya dahil gusto niya sabay kaming magjowa? Baka nga ganoon lang.
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...