SYEMPRE hindi natupad ang pangarap ni Hugo na tabi kaming matutulog. Ano siya sinuswerte?
Doon siya natulog sa sahig. Nilatagan ko lang siya ng extra mattress ko roon. Hindi ko na siya mapalayas kasi puyat at pagod daw siya kaya pinabayaan ko na lang. Pagkahiga naman niya sa lapag ay nakatulog agad siya.
Mukhang totoong puyat at pagod nga. Ni hindi na nga kami nakapag-usap. Nakadapa siya sa paghiga. Wala siyang suot na t-shirt dahil mainit daw, wala kasi akong AC.
Nakatulog na rin ako pagkuwan. Nang magising ako ay wala na siya. Nakatupi na rin ang ginamit niyang mattress. Okay na sana ang kaso nakita ko ang tuwalya ko na nasa maliit kong sofa.
Tumayo ako at dinampot ang tuwalya para ishoot sa marumihan. Bakit ba ang hilig ni Hugo gumamit ng tuwalya ko? Paano kung may buni ako? Di ba siya natatakot, siraulo siya.
Naligo na ako bago mag five pm. Paglabas ko ng banyo ay may text message si Art.
Handsome Artemi:
Hi there Ate Sussie! Di pala alam ni Kuya na pupunta ka. LOL.
Hindi nakatulong ang text ni Art.
Nahirapan akong mag-isip ng isusuot. Sa huli, plain faded fitted jeans ang napili kong isuot. Sa pang-itaas ay mustard na blouse. Itinali ko pa-bun ang buhok ko.
This time ay naglagay ako ng foundation at concealer para matakpan ang eyebags ko. Naglagay rin ako ng manipis na blush on para hindi ako masyadong maputla. At oo, nagkilay rin ako at nag-lipstick.
Dasal ako nang dasal habang nasa byahe papunta sa Wolfgang's mansion. Pagkarating pa lang sa QC ng sinasakyan ko ay basa na pati singit ko sa kaba. Hindi umubra kahit naka-AC ang Grab car. Hay, ganoon din. Sana pala nag-jeep na lang ako.
Tumagal ang byahe dahil maulan. Traffic ang mga daang dinaanan ng sasakyan. Almost 7pm na nang makarating ako.
Pagkarating sa mansion ay sinalubong agad ako ni Art sa gate. May dala-dala siyang payong. Naka-plain white shirt siya at sweat pants na grey. Parang kagigising lang niya.
"Ate, nagulat ka ba?" tanong niya habang hila-hila ako papasok sa malawak nilang sala.
"Ah, alam mo ba kung bakit ako pinapunta?" pabulong na tanong ko sa kanya.
Nagkibit lang siya ng balikat. Lalo tuloy tinambol sa kaba ang dibdib ko.
Nang nasa sala na ay nilalamig ako dahil sa kaba at sa lakas ng AC. Ang lakas kasi ng ulan sa labas tapos ang lakas pa ng AC nila. Parang nagye-yelo na ako habang nakatayo rito.
Mula sa curved glass grand staircase ay bumaba si Ma'am Ingrid. Nakasuot siya ng plain white V-neck Moroccan maxi dress na drawstring ang bewang. Ang buhok niya ay nakalugay sa likod. Wala siyang kahit anong cosmetics o accessories pero napaka-elegante niya. Maganda ang pagkakangiti niya nang lumapit siya sa akin.
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...