"SALAMAT SA LAHAT, HUGO."
Tumango lang siya at hindi nag-abalang tumingin.
Nakahinto na ang kotse niya sa gilid ng kalsada. Sa maiksing byahe namin papunta rito sa office ay tahimik lang kaming dalawa. Higit lalo siya.
Alam din niya na may desisyon na ako kaya hindi na siya kumikibo. Tahimik lang siya at malalim ang iniisip sa driver's seat. Pinindot niya ang unlock ng passenger's seat na hindi pa rin tumitingin sa akin. Hindi ako bumaba. Nakatingin lang ako sa kanya.
"Bumaba ka na, Susana," mababa ang tono na sabi niya.
Naluluha man ay sinikap kong ngumiti at mahinang tinawag siya. "Hugo..."
Hindi siya lumingon o sumagot.
"Hugo, salamat..."
Inabot ko ang kamay niya na nakapatong sa manibela. Marahan ko iyong pinisil pero hindi pa rin siya lumilingon o maski sumulyap man lang sa akin.
Sa kabila ng pagiging mabuting kaibigan niya sa akin, iiwan ko rin pala siya. Mag-isa na ulit siya, pero alam kong makakaya naman niya. Dahil ito ang kailangan mangyari. And I trust that he will figure it out soon.
"Salamat sa lahat-lahat, Hugo..." sabi ko habang hawak ang kamay niya. Bahagya kong sinilip ang mukha niya. "Salamat sa lahat ng pagkakataon na inintindi at sinamahan mo ako."
He just clicked his tongue and looked away. Pero bago iyon ay nakita ko pa ang pagkislap ng pinipigilan niyang luha sa kanyang mga mata.
"Thank you for being a good and true friend to me," I whispered and placed a gentle kiss on the back of his palm. "I will be forever indebted to you..."
Binitiwan ko na siya saka ako bumaba ng kotse niya. Walang lingong nilakad ko na ang papunta sa building na pinagta-trabahuan ko.
Napabuntong-hininga ako habang naglalakad. Umakyat na agad ako sa floor. Ang balak ko ay ibuhos ang buong isip sa pagko-calls. Magla-log in na ako nang tawagin ng TL. Kaya pala ako pinapasok ngayon ay dahil sched for hearing ako kahapon sa HR.
Sinamahan ako ni TL sa HR. Wala nang hearing na nangyari at hatol na agad pagkarating doon.
"Miss Sussana Alcaraz, I am sorry to inform you that starting today, you're no longer employed here in Telemore, Ortigas. We think that this is the best decision because of your work behavior and reduced performance the past two months. Please return your company swipe card." Ibinaba ng HR chief ang isang puting envelope sa desk na kilalagyan ng formal termination letter.
Yumuko ako matapos tipid na ngumiti sa HR chief. "Thank you for everything, Ma'am."
I left the HR room with a sigh of disappointment. Disappointed ako hindi sa kanila, kundi sa sarili.
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...