Chapter 17

223K 11.2K 7.7K
                                    

"SALAMAT."


Tinanggap niya ang isang baso ng malamig na tubig na inabot ko. Pinanood ko siyang ubusin iyon sa harapan ko. Mukhang uhaw na uhaw. Matapos uminom ay tinabihan ko siya sa sofa.


"Okay ka lang ba?"


"Oo naman." Pinunasan niya ng braso niya ang pawis sa kanyang noo.


Inabot ko naman sa kanya ang towel na kanina ko pa inihanda.


"Thanks." Pinunasan niya ang leeg saka ikinuskos sa ulo niya ang towel.


Pinanood ko lang si Arkanghel sa ginagawa. Kahit galing siya sa labas, mabango at parang presko pa rin naman siya. Nagsasalit-salitan sa kanya ang mabangong amoy ng Safeguard Eucalyptus Green at Axe body spray. Ang buhok naman niya na kahit basa ng pawis ay maaamoy pa rin ang gamit niyang shampoo na Head & Shoulders Cool Menthol.


"Mukhang napagod ka sa pagde-deliver. Hayaan mo, umorder na ako ng pizza para merienda."


Napabaling siya sa akin. "O? Gumatos ka pa?"


Tinapik ko siya balikat. "Tig seventy lang iyon. Saka nakakahiya naman sa 'yo, pinagod kita."


"Ano ka ba? Maliit na bagay." Ibinaba niya sa center table ang towel at tumingin sa akin. "Expected ko namang mapapagod ako kaya nga inagahan ko tulog ko kagabi."


Inipit ko ang ilang hibla ng buhok ko sa aking tainga. Wala akong masabi sa effort niya. Pigil-pigil ko na lang ang mga labi ko na mangiti lalo pa at mula sa kusina ay nakatingin ngayon sa amin si Tatay Bear.


"Kunin mo na akong delivery boy mo, ha? Okay naman ako, di ba? Satisfied ka naman. Sige na, kunin mo na ako."


Lumabi ako at sumulyap kay Tatay Bear.


"Kunin mo na ako," kalabit sa akin ni Arkanghel. "Masipag ako. Boy scout ako."


"Boy scout?"


"Laging handa.Gaya ng hindi importante ang looks, pero in case kailanganin, meron ako nun."


Ayun, natampal ko siya. Mabuti na lang at hindi na nakatingin sa amin si Tatay Bear.


"Ano kukunin mo na ba ako? On hand ako, i-mine mo na."


"Wala akong pambayad sa 'yo."


"Totoy, salamat sa pagdeliver sa mga paninda ng anak ko."


Sabay kaming napalingon kay Tatay Bear na palapit na pala sa amin. Hindi ko na siya naalala.


"Walang anuman, Mang Andres," magalang na sagot ni Arkanghel.


South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon