Chapter 29

181K 11.3K 4.7K
                                    

6 years later...


"SAAN KA NGAYON?"


Lumabas ako ng pantry bitbit ang aking shoulder bag. It was eight in the morning at katatapos ko lang mag-light breakfast. After my night shift ay dito ako naghihintay na magliwanag sa labas bago ako ba-byahe paalis. "Same BPO company pa rin dito sa Ortigas. Sa Pasig ako nag-stay."


Inayos ang earphone sa aking tainga bago pumasok ng elevator. Ang kausap ko ang longtime best friend ko na si Carlyn. 


Dito ako nakarating sa Pasig. Dito ako nakakita ng studio type apartment na may own bathroom and sink na pasok sa budget ko. Four-thousand monthly, mahal pa rin pero pwede na kahit paano. Dito na rin ako naghanap ng work and luckily, I got hired in Telemore, Ortigas.


"Sussie, wala ka ba talagang balak na umuwi na lang ng Cavite?" humahabol pa na tanong niya.


Hindi lihim kay Carlyn na nagpakita na ulit ang mama ko. Ang gusto ni Mama ay mag-resign na ako dahil may kaya siya sa buhay. Pero para saan pa ang aking mga pagsisikap kung iaasa ko na lang sa kanya ang kinabukasan ko?


Hindi ko naman kailangang manghingi kahit kanino. Kinakaya ko naman na ako lang lahat.Makakaya kong mag-isa. Kakayanin ko. Proud ako sa sarili ko dahil kahit nag-iisa ako ngayon sa buhay ay nakakayanan kong maka-survive. Nanatili nga akong matatag sa mga lumipas na taon kahit pa sa loob-loob ko ay basag na basag ako. Naka-graduate ako, nakapasa sa LET board exam, the licensure examination for teachers, at nakapasok ako sa isang public school sa Cavite nang walang tulong ng kahit sino. Sariling sikap ko ang lahat-lahat. Maging ang pagpasok ko sa huling BPO company na pinasukan ko sa Cavite, at maging ang paglipat ko rito sa Ortigas. Lahat iyon, ako lang.


Dahil gusto kong may mapatunayan. Hindi lang para sa sarili ko, kundi pati kay Tatay Bear. Gusto kong ipakita sa kanya na napalaki niya ako nang maayos. Na hindi ko sinayang ang lahat ng tiwala at sakripisyo niya para sa akin.


Gusto kong malaman ni Tatay Bear na gagawin ko ang lahat para magtagumpay sa sarili kong pagsisikap. Na magiging successful ako at maipapaayos ko ang bahay namin, mababayaran ko ang mga utang namin at makakaipon ako para maipa-opera siya. Magtitiis ako at magta-tyaga para maabot ang mga pangarap naming mag-ama. Gusto kong ako ang mag-aahon sa kanya sa hirap. Ako lang.


"Worried lang naman ako sa 'yo, girl. Nag-iisa ka riyan sa Pasig e, ni wala kang kakilala riyan. Paano kung makidnap ka? Mamatay? Itapon sa ilog?"


Mahina akong tumawa. "Okay nga lang ako, parang di mo naman ako kilala, Car. Sobrang ingat ko." Bumukas na ang elevator pagkarating sa ground floor. "Bye na. I miss you. Pakumusta na lang kay Isaiah!"


Dinig na dinig ko ang pag-ismid niya mula sa aking suot na earphones. "Ay wala si Isaiah, di na bumalik mula kagabi. Si Jordan andito, naghihilik pa. Binuhusan ko na ng tubig pero ayaw pa ring magising."


Natawa ako habang naglalakad. "Baliw ka, alam mo naman kasing hindi umiinom iyong tao pero pinilit mong maglasing!"


"Bye na! Manenermon pa e!"


Nakasakay agad ako ng jeep pagtawid sa kabilang kalsada. Sa bandang gitna ako napaupo. Hindi gaanong siksikan pero siksikan pa rin. Malakas ang stereo sa loob na akala mo ay nasa disco bar.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon