MAGKAHAWAK-KAMAY kami habang naglalakad sa gilid ng madilim na kalsada. Para kaming nagdi-date sa ilalim ng buwan. Nalulunod sa pakiramdam ang puso ko kaya kahit paano ay nakalimutan ko na baka last na namin ito...
"Ayos ka lang?" pabulong na tanong ni Arkanghel sa akin.
"Alanganin pala makasakay sa ganitong oras," pabuntong-hiningang comment ko. "Ganito ka ba palagi tuwing umuuwi ka ng one and two am? Delikado pala..."
Inakbayan niya ako. "Di naman. Noong di pa grounded si Isaiah ay siya ang tagahatid sa akin. Nitong nakaraan ay motor naman ni Miko ang service ko. Kung wala ka lang ngayon at kung hindi lang ihahatid ni Isaiah si Carlyn ay baka si Isaiah ulit ang mag-aangkas sa akin."
Pagbalik namin sa loob ng Kiss Bar kanina ay naka-order na pala si Carlyn ng isang boteng Redhorse. Nakakainis iyong waiter kung bakit hinayaan si Carlyn na maka-order ng alak. Saka nakakainis din kung bakit may tindang ganoon sa Kiss Bar kapag madaling araw. Hayun, nalasing tuloy ang best friend ko kaya kailangang ihatid ni Isaiah pauwi sa kanila.
"Ayos lang naman na walang masakyan," mayamaya ay sabi ni Arkanghel. "Noon kapag naglalakad ako nang ganito pauwi, namimiss kita. Gusto ko na agad umuwi." Nilingon niya ako. "Ngayon, okay lang kahit walang masakyan. Kahit pa nakakangalay maglakad pauwi, ayos lang. At least sa palakad, mas matagal kitang makakasama."
Namulsa ako sa suot kong hoody jacket na pinasuot niya sa akin. Gusto ko rin naman ito, iyong ganito. Ang kaso, worried ako sa kanya dahil mapapagod siya. Mapupuyat siya.
"Bakit pagod ka na ba?"
Umiling ako.
"Magsabi ka lang, kaya naman kitang ipasan."
Nanulis ang nguso ko. "Mabigat kaya ako. Baka mamaya magreklamo ka riyan e..."
Nakangisi siya nang silipin niya ang mukha ko. "Kahit gaano pa kabigat, kakayanin ko."
"Ewan nga!" marahan ko siyang tinampal. "Maglakad na lang tayo!"
Hinuli niya ulit ang kamay ko para i-holding hands. Hindi naman ako umiwas. Hinayaan ko lang siya.
Tini-treasure ko itong holding hands namin. Feel na feel ko na akin si Arkanghel. Akin. Napapangiti na naman ako. Aki. Akin. Ang Anghel ko.
Tuwing sumasagi sa isip ko ang bagong name niya na nakasaved sa phone ko ay hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko. Kinakailangan kong tumingin sa ibang direction para hindi niya ako mahuli.
"Sussie, pasan na kita," pangungulit niya. Pumuwesto siya sa harapan ko.
Mahinay na hinampas ko naman siya sa likod. "Ano ka ba? Papagurin mo lang sarili mo! Maaga ka pa bukas e..." Pero parang gusto ko ngang magpapasan...
Isang owner jeep na open ang huminto sa tabi namin. Bata pa ang driver. "Need a ride?" Nakangiti ito. Mukhang friendly. Familiar.
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...