"KUMUSTA KA NA?"
Matagal bago siya sumagot. Kasing tagal nang pagsagot niya sa call ko. "Okay lang. Ikaw?"
"O-okay lang din..." Pumiyok pa ako. Naiiyak na kasi ako.
"Kumain ka na?" simple lang iyong tono niya. Dry.
"Oo. Ikaw?"
"Oo."
Tapos iyon na. Ganoon lang. Ganito palagi.
Gusto ko siyang tanungin kung pagod ba siya? Kasi parang pagod siya. Parang palagi siyang pagod. Parang mas gusto niya na lang magpahinga dahil sa tono ng boses niya at sa iksi ng mga sagot niya. Kung tatanungin ko siya, ano kayang isasagot niya? Maiksing oo o hindi? Wag na pala magtanong, parang balewala lang rin naman.
Pagod din naman ako, ah? Maaga akong nagigising dahil katulong ako ni Tatay Bear sa tindahan sa tapat ng bahay namin. Tapos sa tanghali, nagluluto ako ng tanghalian namin, tapos maghuhugas ng pinagkainan. Sa hapon, inaasikaso ko ang mga orders sa akin sa online shop ko. Sa gabi naman pagkatapos kong magluto at maghugas ng kinainan ay nag-aaral ako. Pagod din ako.
Pagod ako pero gusto ko pa ring maglaan ng time sa kanya.
Narinig ko ang pagtikhim ni Arkanghel. "Sussie, tulog ka na. Gabi na."
Nakagat ko ang ibaba kong labi. Alam ko namang gabi na. Gabing-gabi na pero heto at nagtitiis ako ng antok para lang makausap siya.
"Sige tulog na ako," mahinang sabi ko. Hindi ko na naitago ang pait sa boses ko.
"Sussie."
Pinakinggan ko ang magaan at mababa niyang boses habang binibigkas ang pangalan ko.
"Sorry. Masyado lang talagang maraming nangyari e. Marami akong pinagkakaabalahan..."
"Ayos lang," sinikap kong pasayahin ang boses ko. Kaht paano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil medyo mahaba-haba ang sinabi niya. Kahit paano kasi, nag-explain siya.
"Natanggap mo ba iyong pinadala kong chocolates sa 'yo?"
"Oo. Salamat. Pero sana hindi mo na pina-Grab, ang mahal nun. Pwede namang ipaship mo na lang e..." O kaya sana hindi ka na nag-abala.
"Sige, padalhan ulit kita."
"Wag na..."
"Okay..."
Patay na patay ang usapan namin. Noong mga unang araw akala ko, nagkakapaan lang kami. Ngayon, hindi ko na alam e.
"Pwede bang magrequest?" alanganing sabi ko.
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...