SAN BA IYONG KWARTO NI ART?
I followed his instructions. Nilampasan ko ang malaking piano na katapat ng pinanggalingan kong guestroom. Patingkayad ang aking mga hakbang habang tinatalunton ang daan. Dire-diretso lang raw tapos biglang liko. Basta sa dulo raw na kwarto ako hihinto.
Nakakainis kasi bakit hindi na lang ako sinundo ni Art? Ang laki kaya ng bahay nila. Sa dami ng pinto, parang gusto ko nang mahilo. Tapos nakakainis pa kasi napapaisip ako kung saan din ba rito ang kwarto ni Arkanghel? Kung malaki ba ang kanya?
Malamang malaki rin ang kanya. Wolfgang siya e!
Mansion nila ito. Sila ang mga amo rito kaya malamang na malalaki ang mga kwarto nila. Baka iyong sukat ng banyo ng kwarto nila ay mas malaki pa sa sukat ng studio type apartment ko sa Pasig. Tiyak din na may kanya-kanya silang bathtub. Baka nga jacuzzi pa.
Habang marahang naglalakad ay hindi ko maiwasang hindi humanga sa paligid. Ang laki kasi at ang aliwalas. Maski ang hallway, may chandelier. Sosyal sa kahit anong anggulo.
Nagpatuloy ako sa paglalakad habang patuloy rin sa pasimpleng pagmamasid sa paligid. Nagbeep ang phone ko kaya sandali akong huminto para i-check ito.
Handsome Artemi:
Where are you? Antok na ko.
Ngumuso ako. E di matulog siya, bubulabugin ko na lang siya ng katok mamaya. Alam ko naman na kung saan ang kwarto niya. Sabi niya, basta diretso lang daw ako hanggang dulo.
Kung hindi nga lang maaliwalas ang paligid ay baka ma-imagine ko ang mga eksena sa binasa kong Horror-Romance book na Casa Inferno. May nag-iisang pinto rin kasi sa dulo ng hallway niyon. Tapos may gwapo at masungit ding bida. Just like Arkanghel.
Hmp yang Arkanghel na 'yan, nag-States lang, sumungit na. Itsura niya! Parang dati lang, patay na patay siya sa akin e!
Pa-English-English pa siyang nalalaman diyan e sa Math lang naman siya magaling noong nag-aaral kami. Hindi niya nga alam ang spelling ng "courage" dati.
Hindi ko naman gustong maging mapait, hindi lang talaga maiwasan. Kung hindi lang talaga dahil kay Ma'am Ingrid, hindi naman din ako pupunta rito sa kanila. Basta, bukas na bukas kapag wala nang bagyo, uuwi na ako. Kahit hindi pa humuhupa ang baha, uuwi pa rin ako. Everything will go back to normal after I leave this house tomorrow.
Nang makarating ako sa dulo ng hallway ay huminto ako sa nag-iisang pinto na naririto. Art was right, nag-iisa nga lang talaga ang pintong ito. Sa tapat nito ay nakasabit ang painting ni Pablo Picasso.
Inihanda ko ang ngiti ko saka ako kumatok. Sunod-sunod na katok, iyong walang pahingang katok. Bahala siyang mabulabog sa loob.
Nakasampung katok na akong sunod-sunod, hindi pa rin siya nagbubukas. Baka nakatulog na nga sa kahihintay sa akin.
I knocked on his door again. Sunod-sunod ulit. Mas malalakas. Gusto ko talagang marindi siya at magkumahog sa pagbangon at pagbukas ng pinto.
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...