Chapter 20

234K 11K 5.6K
                                    

NAKATULALA LANG SI ARKANGHEL SA AKIN.


Hindi siya kumukurap. Basta nakatitig lang. Parang dinaanan ng masamang hangin. Kinakabahan tuloy ako kung bakit ganoon ang reaction niya. Mabaho ba ang hininga ko? Apat na burger at shake lang naman ang kinain ko kanina, ah?


"Arkanghel, ano ba..." Hiyang-hiya na talaga ako kahit pa kami na lang yata ang tao rito dahil nasa gate na halos ang lahat.


Bumukas-sara ang bibig niya pero walang lumabas na kahit anong salita mula roon.


"Arkanghel, ayaw mo ba?" mahinang tanong ko. Parang gusto ko na lang na maglaho rito bigla dahil sa hiya. Parang gusto ko na lang na bumuka ang lupang kinatatayuan ko para lamunin ako.


Hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatitig pa rin siya sa akin.


Ipinilig niya ang ulo saka siya nagsalita. "Anong sabi mo kanina?"


"Ano... narinig mo naman, ah?" Umiwas ako ng paningin dahil ang init-init na ng kulay abo niyang mga mata na nakatitig sa akin. "Uhm, nagbago na ba isip mo? Uhm, s-sige ano... Wag na lang..."


"Sinagot mo na ako?"


"Uhm, ano, tara na. Tayo na lang rito o-"


"Sussie." Pinigilan niya ako sa pulso.


"Arkanghel, naman..."


"Sinagot mo na ako, di ba?" Yumuko para silipin ang mukha ko. "Di ba, Sussie? Narinig ko."


"Narinig mo naman pala, bat pinapaulit mo pa?! Nakakainis ka talaga! Nahihiya na nga ako e!" Tinabig ko ang kamay niya na nakahawak sa akin pero hindi ko naman iyong naalis.


"Sussie, wag ka munang umalis."


"Tayo na lang kasi rito e..."


Tumawa siya. "E ano?"


"Baka hinahanap na ako ni Tatay Bear..." dahilan ko.


"Ihahatid kita pauwi." Hinila niya ako sa pulso. Napasunod naman ako sa kanya.


Magkahawak-kamay kaming naglalakad. Nauuna siya sa akin kaya malaya kong napagmasdan ang magkasalikop naming mga palad. Kami na? Kami na ba talaga?


Nasa labas ng gate nakaparada ang motor ni Arkanghel. May compartment box iyon at mula roon, inilabas niya ang helmet niya. Iyong para sa akin naman ay nasa loob ng upuan. Siya ang nagkabit niyon sa akin.


"Saan tayo pupunta?"


"Stroll lang saglit."


Hindi ba siya hahanapin ng parents niya? Di ba dapat may handaan sa kanila kasi graduation ngayon? Saka si Tatay Bear, baka umuwi na iyon sa amin.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon