LAST CHAPTER

275K 12.2K 9.3K
                                    


FIRST DAY OF SCHOOL.


Ang sarap sa pakiramdam na bumalik sa alma mater na hindi isang estudyante, kung hindi bilang isang guro. Finally, mahaharap ko na ulit ang aking iniwang propesyon. Maitutuloy ko na ulit ang naudlot kong pagtuturo noon.


Ipinakilala sa akin ang mga co-teachers ko. Ang lahat naman ay mababait. Naroon pa nga ang ibang naging teachers ko at masaya ako na makasama ulit sila.


So far ay okay naman. Napansin ko lang na masyadong mabait sa akin ang batang teacher na si Mr. Mikael Cortez. Madikit sa akin ang lalaki at masyadong friendly.


Sa sobrang friendly niya ay natutukso na tuloy kami sa faculty dahil pareho kaming single. Hindi ko pa masabi sa kanila ngayon na buntis na ako. Humahanap pa ako ng tyempo dahil malamang na itatanong nila kung kailan ako ikakasal.


Nakatapos ako ng tatlong klase na hindi naman ako na-stress kahit pa karamihan sa mga estudyante kong lalaki ay mga papansin. Masaya ako dahil passion ko talaga ang pagtuturo. Sobrang saya na nakabalik na ulit ako.


Ewan ko lang kung ganito pa rin ako kapag natapos na ang leave ng head teacher na si Mrs. Norma Aguilar.


Naka-indefinite leave ang mommy ni Hugo. Hindi ko alam kung gaano katagal, pero ipinagpapasalamat ko na wala siya ngayon dito. Awkward ang makasama ko siya sa iisang school, lalo pa't alam ko na galit siya sa akin at sa mama ko.


Napailing na lamang ako. Dahil kay Mrs. Aguilar ay naisip ko na naman tuloy si Hugo. Hanggang ngayon ay hindi na talaga nagparamdam sa akin ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon.


Sana kung nasaan man si Hugo, sana okay lang siya.


Sana rin sa muli naming pagkikita, hindi ko na makita iyong sakit sa mga mata niya.


Nang matapos ang klase ko before break ay napadaan ako sa bench. Napatitig ako roon ng ilang minuto. Parang pinipiga ang puso ko.


Binilisan ko na ang paglalakad pabalik sa faculty hanggang sa tumunog na ang bell. Hangga't maaari ay hindi ko na nililingon pa ang bench.Kung anu-anong damdamin ang lumukob sa akin kapag nakikita ko iyon.


Hindi ko maiwasang maalala si Arkanghel. Ang Arkanghel ko noon, ang Akin.


Bakit pakiramdam ko ngayon ay bumalik na siya? Na talagang nagbalik na siya at siya na ulit ang kasama ko ngayon.


Kagabi sa kwarto ko, pakiramdam ko talaga ay siya ang Arkanghel ko noon. Ang mga halik at yakap niya sa akin, lahat iyon, parang dinadala ako pabalik sa nakaraan naming dalawa.


Naguguluhan ako kaya matapos ang nangyari sa amin ni Arkanghel ay basta ko na lamang siyang pinaalis at pinabalik sa bodega. Hindi ako makatingin nang tuwid sa kulay abong mga mata niya kinabukasan.


"Ms. Alcaraz, taga saan ka?" tanong sa akin ni Mr. Mikael Cortez nang break time ko sa hapon. Kaming tatlo nina Mrs. Delia Panganiban, ang nasa mid fifties na Filipino teacher ang nasa faculty.

South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon