"YOU WERE SAYING?"
Tigagal ako habang nakatingala sa lalaking nasa aking harapan. His luminous grey eyes were sharp, his handsome façade calm.
"Hey..." he called softly.
I could see how tall and hot he was now. Magkasing katawan at taas sila ni Hugo. Naka-tux siya na kakulay ng kanyang mga mata, abo. Nakapatong iyon sa suot niyang plain black v-neck shirt. Sa pang ibaba ay fitted jeans at brown boots.
He was the past that I desperately wanted to forget.
But still, hindi ako makabitiw...
Bakit kailangan naming magkita ulit?
Napalunok ako. Ano ba iyong sinasabi ko kanina noong makita ko siya? Hindi ko naman alam na siya iyong kasalubong ko. Hindi ko alam na siya iyong lalaking iiwasan ko sana.
Anong ginagawa niya rito? Bakit nandito siya? And bakit sa dinami-dami ng araw, bakit ngayon pa?
Ngayon pa na puyat ako, malala ang eye bags ko, maputla ako, magulo ang buhok ko at simpleng t-shirt and faded fitted jeans lang ang suot ko. Bakit ngayon? Sana hindi ngayon. Sana hindi na kahit kailan!
"Your mouth could catch flies from the way it hangs open," he said in his neutral voice.
Nabiglang napatakip ako ng bibig. Dama ko ang agad na pag-iinit ng aking mga pisngi.
"Arkanghel," tawag ng kasama niya na lumabas mula sa TGI Friday's. Nasa mid forties ang edad based sa itsura. Matangkad, guwapo at halatang mayaman din na tulad niya. "Your Aunt Tami just called. I need to go."
"Alright. I guess I'll see you some other time," he answered him but his deep grey eyes were still on me.
Napatingin sa akin ang kausap niyang lalaki. "Do you know this lady?"
"Sorry," maagap kong sabi bago pa makasagot si Arkanghel. Nang makabawi ng lakas ay humakbang paatras ang mga paa ko. "Mauuna na po ako," pagkuwan ay mabilis ko silang tinalikuran.
Hindi ako makahinga at bigla akong nakaramdam ng hilo. Bahagyang umesi ang hakbang ko at nasapo ko ang aking noo.
"Miss, are you all right?" boses ng kausap ni Arkanghel.
Nanigas ang likod ko lalo nang maramdaman ko ang paglapit ng lalaki.
Nang nasa harapan ko na siya ay sinilip niya ang aking nakayukong mukha. "Are you feeling well? You look so pale."
"I'm okay po..." Tumango ako sa kanya. "That's just, you know, my skin."
"Are you sure?" Sa mga mata ko siya nakatingin. "Naluluha ka, Miss."
Ngumiti ako sa kanya. "Actually, I work in a BPO company and I am from my graveyard shift."
Magiliw na ngumiti ang lalaki. "Oh, bayaning puyat."
"Yes, sir..."
"Uncle V," magaan pero matigas na boses na dahilan kung bakit nahihirapan akong huminga.
"Oh, yeah. I need to go now," paalam niya kasabay nang pagring ng kanyang hawak na phone. "My wife's calling, excuse me." Tumingin siya sa akin at tumango bago lumakad na paalis.
Naiwan akong nakatalikod. Naguguluhan ako sa dapat kong gawin.
"So you work in a BPO company now," there, he spoke again.
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...