"HELLO? HELLO?! FUCKER!"
Tumayo na si Hugo habang hawak pa rin ang phone ko. Hindi nakatakas sa akin ang pagkuyom ng kanang kamao niya. Nang ibalik niya sa akin ang phone ay tapos na ang call.
"Hindi nagpakilala amputa! Binabaan ako!" Namumula ang mukha niya at leeg nang maupo ulit sa sofa. "That fucker!"
Nakatulala lang naman ako sa kanya. Hindi ko inaasahan ang ganitong reaction niya.
"Just delete his number, okay?" Hindi siya tumitingin sa akin nang nagsasalita. "Do not answer calls from people you don't know."
"Okay..." sagot ko na lang para kumalma na siya.
Sumandal siya sa sandalan ng sofa. Mayamaya ay mahinahon siyang nagsalita. "Marami kasi ngayong masasamang loob, I just wanna protect you..."
Hindi na ako umimik. Nakatingin lang ako sa kanya habang minamasahe niya ng mahahaba niyang daliri ang kanyang sentido.
Dinampot niya ng kaliwang kamay ang remote na nakapatong sa ibabaw ng center table. Itinuloy niya ang naudlot naming panonood.
Gusto ko mang i-check ang phone ko ay hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit inaalala ko ang feelings ni Hugo ngayon. Ibinalik ko na lang muna sa loob ng bag ko ang phone. Pagkauwi ko na lang iyon titingnan mamaya.
Hindi ko nga lang maiwasang isipin...
Bakit siya tumawag?
Bakit niya binabaan si Hugo? Bakit hindi siya nagpakilala?
Wala na ang atensyon ko sa panonood ng TV. Kahit naman si Hugo sa aking tabi ay halatang wala na rin ang isip sa pinapanood. Kinukuyakoy niya ang binti habang nakahalukipkip at nakasandal sa sofa.
Habang nanonood kami ay dama kong iba na talaga ang mood niya. Kahit nakakatawa ang scene ay hindi na naalis ang kaseryosohan ng mukha niya.
Naka-tatlong movie kami nang walang kibuan at reaction ni Hugo. Tahimik lang kami sa sofa pareho. Nang matapos ang huling movie ay nagpaalam na ako.
"You can sleep here," tila lutang siya nang mag-suggest.
Inirapan ko siya. "Gaya ng pagtulog mo sa apartment ko?"
Doon lang siya napangiti. Umaliwalas na sa wakas ang guwapong mukha ni Hugo. "Oo para makabawi ka. Ayaw mo ba?"
Gumaan na ulit ang mood ng paligid. Mabuti. Ayaw ko kasi na maghiwalay kami na hindi siya okay.
"Hatid na kita, Sussie."
Tumingin ang aking mga mata sa silver wall clock na nasa pader ng kanyang sala. "Wag na. Baka ma-traffic ka pa pagbalik mo e." Malapit na ang rush hour. Aabutin na siya ng traffic pabalik.
"So?" Yumukod siya. Kinuha niya ang susi ng kotse niya na nasa center table lang nakapatong at nilaro sa kanyang kamay.
"Wala ka bang work?"
"Wala nga hanggang bukas, kulit. Ikaw lang ba may karapatan mag off?" Nakangisi ang mapula niyang mga labi.
Inirapan ko siya ulit. "Sabay talaga sa off ko?"
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...