AH, NAG-INOM. Baka kaya ako hinatid dahil may plano na rin siyang pumunta kina Isaiah that night. Nataon lang talaga na pauwi rin ako ng Cavite kaya isinabay niya na ako. Ang dami ko pang pinag-iiisip, iyon lang pala ang dahilan.
"Inindian mo ako!" ang tinis ng boses ni Carlyn nang sagutin ko ang call niya. Hindi na kasi ako sumunod sa SM Rosario kahapon.
"Sorry na, hindi ko maiwan si Tatay Bear e. High blood na naman kasi siya kahapon. Ano bang nangyari? Umuwi rin ba kayo agad ni Baby Boy?" tukoy ko sa inaanak kong may pinagmanahan ng kakulitan.
"Mas high blood ako, girl!" Hindi nagbago ang tinis ng boses niya. "Pag-uwi ba naman, hayun lasing pa rin ang ulirang ama ng inaanak mo! Magkayapos pa ng pinsan niyang hilaw! Ang mga leche, ako pa talaga pinagligpit ng mga kalat nila!"
Hindi ko makuhang matawa dahil hindi ko ma-imagine si Arkanghel sa ganoong sitwasyon.
Ang laki na kasi ng ipinagbago niya. Bukod sa lalo siyang gwumapo, napakaseryoso na ng dating niya para sa akin. Hindi ko siya makitang ganoon na lasing na lasing. Saka bakit nga ba siya naglasing?
Sobrang namiss ba nila ni Isaiah ang isa't isa kaya nagparty-party silang dalawa? Hay, ang hirap iimagine. Kahit nga yata iimagine ko na ngingiti si Arkanghel ay hindi ko magawa. Nakapaskil na sa isip ko na seryoso lang palagi ang reaction niya. Kasi ganoon na siya, nagbago na siya.
Masaya ako na kahit nag-iba na ang estado niya sa buhay ay hindi pa rin siya nakakalimot sa pinagmulan niya. Ako lang naman kasi yata ang nakalimutan niya.
Bumaba ako para uminom ng tubig sa kusina. Natutuliro na naman ako pag naiisip ang text message ni Arkanghel. Hindi ko iyon magawang burahin. Wala naman na siyang kasunod na text pagkatapos.
Malamang hindi na iyon masusundan kasi nga nag-inom na nga siya kina Isaiah. Nalasing na siya dahil mula pa man noon ay hindi na siya sanay uminom.
Pero may iba pa ba kaya akong binanggit sa pagtulog ko maliban sa pangalan niya? Wala naman siguro. Hindi ko naman siguro sinabing "Arkanghel, I miss you."
Kung sinabi ko iyon, hindi niya na kailangang mag-inom. Automatic na siyang masusuka right after.
Shit! Napasabunot ako sa aking buhok pagkatapos kong tunggain ang isang basong tubig. Nakaka-stress. Hindi talaga ako mapapalagay hanggang hindi ko alam kung ano ang sinabi ko! Saka kung paano kung sinabi! Ayoko namang magtanong! Ayoko! Ayoko! Mamamatay na ako pero hinding-hindi ako magtatanong!
"Andres?" tawag mula sa labas ng bahay namin ang pumukaw sa akin.
Sumilip ako sa nakabukas na jalousie ng bintana sa sala. Isang babae na nasa mid forties ang edad ang pasilip-silip sa labas ng aming gate. Maganda kahit may edad. Simple lang siyang manamit. May bitbit siyang supot na puno ng avocado.
Si Aling Teresita. Tere ang pangalan pero Tess na lang daw ang itawag namin ni Tatay Bear sa kanya para maiba naman.
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...