"MAGTAPAT KA NGA, KAYO NA BA NI HUGO?"
"Hindi," sagot ko habang inaayos ang suot kong earphones. Nasa labas ako ng street dito sa tinutuluyan ko sa Lifehomes, Pasig. Patingin-tingin ako sa hawak kong phone dahil nakaabang ako sa ibinook kong Grab car.
Ngayon ang birthday ni Art. Kahit wala akong balak gumastos, napilitan akong bumili ng bagong damit sa Robinson's. Mabuti sale kaya may discount.
Umayos ako sa pagkakatayo habang nagmamasid sa daan. Ang ibang mga naglalakad ay napapatingin sa akin. Simple lang naman ang suot ko, plain black babydoll dress with flutter sleeves, high neckline, a low scoop back and a flouncy skirt. Sa paahan naman ay black strappy, studded sandals. Two-thousand pesos in total lahat ito.
Wala akong cosmetics maliban sa manipis na red lipstick. Ang buhok ko na lampas balikat ay naka-curl ang dulo. Sa accessories naman ay maliit na round gold earrings lang at gold Tory Burch watch na regalo ni Hugo last Christmas ang suot ko.
"Tangina di naman pala! E bat napayag ka namang kinakaladkad ng lalaking iyon kaya naiisip tuloy ng mga tao na kayo!"
Napailing ako sa reaction ni Carlyn. "We're just friends. Saka alam mo namang maloko lang talaga iyon kaya ganun. Sanay na ako."
"E pano ka maliligawan niyang kung binabakuran ka niya?!"
"Ano naman? Hindi naman ako nagmamadali, Car. Hayaan mo kapag willing na akong magpaligaw, saka ko siya sisipain si Hugo paalis."
"Kailan pa iyon?" Pumalatak siya sa kabilang linya. "Kung ayaw mong mag-entertain ng ibang guys sa buhay mo, tyagain mo na lang si Hugo. Kayo na lang tutal parang kayo na rin naman na!"
Napahagikhik ako sa sinabi niya. Hindi ko akalaing masasabi iyon ni Carlyn. "Asa ka namang gusto ako ng itlog na iyon. Saka hello? Okay lang ba sa 'yong mabroken ako kapag nagcheat sa akin si Hugo? Remember, babaero iyon!"
Napaungol naman siya nang marealized. "Oo nga pala, pokpok iyon!"
"Basta chill ka lang. Magkakaboyfriend din ako soon. Sa ngayon, goals muna."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Hindi lang kasi ako mapalagay noong sinabi mong nagkita na kayo e..."
Even if Carlyn didn't mention a name, I know who she was talking about.
Naikwento ko sa kanya. Hindi ko natiis na hindi i-open. Siya lang naman kasi ang best friend ko na pwede kong pagsabihan. Syempre alangan namang kay Hugo ako magkwento, e di kay Carlyn na.
Casual lang naman nang magsabi ako. Pero knowing Carlyn, talagang sinuri at tinimbang niyang mabuti ang bawat tono at salitang galing sa akin. May sarili agad siyang opinion pagkatapos ng pag-uusap namin.
"Alis na ako, Car. Tawag ka ulit kapag free ka." Nagpaalam na ako sa kanya dahil arriving na ang Grab. Hindi ko binanggit kung saan ako pupunta ngayon. Saka ko na lang siguro iku-kwento.
BINABASA MO ANG
South Boys #1: Kiss Master (Published and to be adapted soon into mini-series)
RomanceHe's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young heart to love and gave her her first kiss is now the cold and arrogant CEO of a massive company. An...